UMPISA PA LANG NG LABAN

Marami ang nagdiwang sa pagbitiw ni Ombudsman Merceditas Gutierrez sa puwesto.

Tuwang tuwa ang mga nais usigin si Madam Senyora Donya Gloria at kanyang mga alipores. Para sa mga nagdiriwang na ito, ang pagbibitiw ni Ginang Gutierrez ay isang malaking tagumpay.

Sa ganang atin, hindi pa tayo dapat magdiwang bagama’t dahil marami pa sa mga tinalaga ni Madam Senyora Donya Gloria, lalo na at mga kasabwat niya ang nananatili sa puwesto.

Marami sa mga kasapakat na ito ay bumaligtad pa ng partido at ngayo’y nagpapanggap ng nais ng isang matuwid na daan.

Hangga’t hindi naaalis ang mga ito o di kaya’y nahuhubaran ng kanilang kasinungalingan ay patuloy na mamamayagpag ang mga taong walang humpay na nagnakaw sa kaban ng bayan na siya ring naging dahilan ng matinding paghihirap ng ating mga kababayan.

Paalala sa inyong nais ng isang malinis at maayos na pamahalaan, nanalo tayo sa isang munting labanan pero umpisa pa lang ito ng tunay na giyera kung saan ang mga alipores ni Madam Gloria at ni Jose Pidal ay patuloy na pagtatakpan ang katotohanan.

Patuloy tayong magmanman at patuloy tayong lumaban para makamtan natin ang nais nating humarap sa isang tunay at masusing imbistigasyon si Madam Gloria, Jose Pidal at ang kanilang mga alipores.

Huwag tayong ningas cogon, hindi pa tapos ang laban.

******
Sa mga nagtext sa atin tungkol sa iligal na droga, isa isa ho nating pagbibigyan at paguukulan ng pansin sa mga susunod na column. Marami ang naniniwalang mabigat ang suliraning pero unahin natin ang nagtatanong kung puwede bang tikman ito? Sagot natin, huwag niyo nang tikman, walang idudulot na mabuti ito at sisirain niyo lang ang utak at katawan niyo.

******
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: