RESPONSABLENG MAGULANG

Hanggang sa araw na ito ay matindi pa rin ang pagtatalo sa pagitan ng simbahang Katoliko at ng pamahalaan sa pamumuno ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III tungkol sa responsible health bill.

Marami sa mga opisyal ng simbahan kasama na ang mga retiradong kagaya ni Archbishop Oscar Cruz ay galit na galit sa desisyon ni P – Noy na itulak ang naturang batas na papayagan ang lahat ng uri ng family planning kasama ng condom, iud, pills, tubal ligation, vasectomy at iba pa maliban sa abortion.

Ayon sa mga miyembro ng KaParian, ang tanging paraan lamang ng family planning na matatanggap nila ay ang rhythm method o natural method. Isang paraan ito na ang pagtatalik ng magasawa ay maaari lamang pag hindi fertile ang babae.

Para naman kay P – Noy at sa mga senador at kongresista ay mas dapat ang magkaroon ng responsableng parenthood o pagpili ng paraan ng mga magulang ng birth control methods upang matiyak na kaya nilang palakihin ng maayos ang kanilang anak.

Sa kasalukuyan kasi, lalo na sa Maynila kung saan pinagbawalan ni dating Mayor Lito Atienza ang anumang pamimigay ng condom na donated pa ng mga international agencies, dumami ng husto ang mga bata lalo na sa mga mahihirap na pook ng nasabing siyudad.

Lumalabas pa na parang hagdanan ang mga anak ng mga pobreng walang mahinging birth control pills na dati rati ay pinamimigay lamang sa health center o di kaya’y mga condom.

Nangyari tuloy, kesa umunlad ang buhay dahil kayamanan daw ang mga anak, lalong nalugmok ang mga kababayan nating nakatira sa squatter’s area sa kahirapan.

Ang mga bata, kesa pag-aralin ay pinapayagang nasa gitna ng mga lansangan nanlilimos, naglilinis kuno ng salamin ng mga sasakyan o di kaya’y nagtitinda ng bulaklak gaya ng sampaguita.

Kapag kumita ng konti, komo hindi naman kayang ipambili ng pagkain at kailangang makalimot ay titira ng rugby o sealant na siyang magpapalala sa kondisyon nila.

Kapag lango na sa rugby at medyo may edad na, hindi maiwasang magkaroon ng relasyon at hayan mga batang kinakasal o di kaya’y magsasama at panibagong pamilya na sunud sunod na naman ang mga anak.

Paulit ulit ang masamang cycle na ito na siyang tuluyang maglulugmok sa atin sa kahirapan.

Mga bagay na ayaw intindihin ng mga opisyal ng simbahan na ayaw tanggapin ang mga pagbabago sa mundo. Hindi rin nila maamin na madali sa kanila ang magsalita laban sa rh bill dahil wala naman silang mga pamilya.

Kailangan nating suportahan ang panukalang batas na ito kahit tumitindi ang pressure na ginagawa ng ilang alagad ng simbahan. Hindi maaaring umatras ang pamahalaan dito maliban na lang kung idedeklara ng simbahan na lahat ng ari arian nila ay ibibigay nila sa mga hikahos nating mga kababayan.

Kung hindi naman, handa bang magbayad ng buwis ang simbahan na sa kasalukuyan ay exempted sila.

******
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: