PAANO ANG KARAPATAN NG MGA BIKTIMA?

Mainit na mainit pa rin ang usapan tungkol sa pagkamatay ni Osama Bin Laden, ang pinuno ng Al Qaeda na siyang responsableng pumatay sa libo libong inosenteng sibilyan.

Karamihan sa biktima nila ay mga walang kasalanang naghahanap buhay sa Twin Tower sa New York na ginuho ng mga terorista sa pamamagitan ng pagpapalipad ng eroplano direkta rito.

Dahil sa pangyayaring ito ay tinugis siya ng mga Amerikano at kamakailan ay napatay siya ng mga Navy Seals, isang elite unit ng mga commando na pumasok sa Pakistan. Napatay si Bin Laden at ang katawan niya tinapon sa dagat.

Marami ang nagalit sa ginawang ito ng mga Amerikano. Dito sa atin, meron pang nag-martsa bilang simpatiya raw kay Bin Laden.

Lubos na nakakabahala ito dahil malinaw naman na maraming inosenteng tao ang piñata ni Bin Laden at maraming bata ang inulila niya.

Mga taong iba iba ang nacionalidad, iba iba ang lahi at higit sa lahat ay mga sibilyan na nagtatrabaho lamang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kani kanilang pamilya.

Kasama nga pala sa mga ito ang ilang mga kababayan natin na ang tanging kasalanan ay mag – migrate sa US sa pagnanais na gumanda hindi lamang ang kanilang buhay kung hindi ang sa kanilang mga pamilya.

Sa mga nagmamartsang ito na nakikisimpatiya kay Bin Laden, tanong lamang natin ay ano ang kasalanan ng mga biktima ng Al Qaeda? Meron ba silang kasalanan sa napaslang na lider ng terrorist group?

Pinaguusapan niyo ang pakikisimpatiya kay Bin Laden, paano kung kamag-anak niyo o ka pamilya o kaibigan niyo ang mabiktima nila. Kailan naging biktima si Bin Laden?

Mga kababayan, Kristiyano, Muslim o kahit anong relihiyon natin, pakiusap lamang, isipin natin lagi paano ang mga biktima hindi paano ang mga criminal o terorista.

******
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: