MASAMANG TAO SI BIN LADEN

Marami sa mga kababayan natin, kasama pa ang ilang propesor sa Kolehiyo ang sumasama pa ang loob sa ginawa ng bansang Amerika kay Osama Bin Laden.

Ayon sa kanila, mali raw ang Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama na bigyang pahintulot ang American Seals team na lumusob sa bansang Pakistani kung saan nagtatago ang pinuno ng Al Qaeda.

Sa ganang atin, bagama’t hindi siguro tayo kasinggaling ng mga propesor na mga ito na pawang may mga doctorate pa ay tama ang ginawa ng mga sundalong Kano at hindi sovereignity at pinaguusapan dito kung hindi ang sugpuin ang kasamaan.

Sa isyu ng sovereignity, walang karapatang umangal ang bansang Pakistan sa ginawa ng mga sundalong Kano dahil obvious naman sila ang nagkakanlong kay Bin Laden.

Kung sasabihin nilang wala silang alam, puwes, saksakan sila ng tanga at dahil diyan dapat managot sila sa buong mundo. Kahit na ano ang sabihin ng mga kakampi ni Bin Laden, isa siyang masamang tao, bakit niya idadamay ang mga inosenteng napaslang ng kahayupan nila. Kahit ano pa ang nationality ng mga namatay, malaking kasalanan ang pumatay ng mga inosente.

Tungkol naman sa bakit tinapon na lang sa dagat ang katawan nito. Buti nga siya nilibing pa ng maayos ayon sa kanyang relihiyon. Inisip ba ni Bin Laden at mga kasama niya kahit maayos na pagpapalibing sa mga pinaslang nila ng atakihin nila ang Twin Towers sa New York.

Pagdating naman sa isyu ng totoo bang napatay na siya, tiyak natin iyon dahil kung hindi totoo iyan pasikat na naman ang Al Qaeda at lulutang si Bin Laden upang patunayang walang katotohanan ang balita ng mga Kano.

Sa katapusan, alam ni Bin Laden na sinumang nabuhay sa dahas ay maaaring mamamatay sa dahas. Wala silang palusot at alam nila darating ang araw kung saan ang kasamaan nila ay pagbabayaran nila.

******
Dahil sa bulok na sistema ng ating hustisya kung saan madaling makalusot ang mga mayayaman at makapangyarihang ma criminal, delay na naman ang paglilitis sa mga Amapatuan na siyang pumaslang ng mahigit sandaang tao kasama na ng mga mamamahayag na pawang ginawa ay gampanan ang kanilang mga trabaho.

Komo maraming kuwarta pa ang mga Ampatuan ay mga abogadong matitindi ang ginamit nila na siya namang nagpapadelay ng paglilitis nila na siyang nagiging dahilan ng pagkadismaya ng mga pamilya ng kanilang biktima.

Sa pagkakataong ito, nais nating anyayahan ang mga Special Forces ng Kano, baka gusto niyo pumasyal dito sa aming bansa at magkaroon ng ensayo kung saan gamiting niyong test case ang mga Ampatuan.

Natitiyak namin, kung gagawin niyo iyan ay palakpak at papuri ang aanihin niyo sa bayang ito, puwera lamang sa mga pekeng nagmamahal sa bayan at mga corrupt na opisyal na kakutsaba ng mga Ampatuan.

Please gawin niyo na at malamang maging daan pa iyan para payagan muli ang military bases niyo dito sa aming bayan. Walang dahilang tutulan natin ito kung gagawin nilang practice ay ang mga Ampatuan, Abu Sayyaf o iba pang mga criminal gaya ng mga drug syndicate.

******
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: