BUTATA NA HUMIHIRIT PA

Sinampahan ng kasong plunder si Madam Senyora Donya Gloria dahil sa pagpapalipat ng P530 million peso mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) papunta sa Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) nuong 2006.

Depensa ang mga alipores niya kasama na ng dating kalihim ng Health at ilang mga dating tauhan niya sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa kanila, wala naman daw masama rito at sakop raw ito ng kapangyarihan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Hirit pa nitong si Rep. Danilo Suarez ng probinsiya ng Quezon ay wala namang masamang mamahagi ng PhilHealth card at paraan lamang daw ito ng kasalukuyang administrasyon na iligaw ang mga isyu tungkol sa mga presyo ng mga bilihin.

Tanong lamang natin, simpleng simple at sana sagutin nila ng tapat at deretso, lalo na ho si Rep. Suarez – kanino ba ang pera ng OWWA na pinamimigay ni Madam Gloria na akala mo ay kanya ito. Paalala lamang natin na nilagay pa ni Madam Gloria ang maganda niyang litrato sa mga PhilHealth card na pinamimigay.

Kung hindi niya pera ang pinamimigay niya at hindi rin galing sa bulsa niya ang pinanggawa ng mga PhilHealth card, anong karapatan niyang ilagaw ang litrato niya?

Hindi ba pera ng mga overseas workers o mga modern day heroes ang pondong nakalagak sa OWWA? Kung ganuon, ano ang karapatan niya kahit ba nakaupo siya sa Malakanyang na ipamigay ito?

Kung nais niya magpahaba ng papel at ayusin ang imahe niya, ang dapat niyang gawin ay ipamigay ang mga kuwarta ni Jose Pidal at mga bahay ng anak niya sa Estados Unidos.

Maaaring walang iligal sa ginawa niya, ayon nga sa ilang mga abogado na alam na alam naman nating madaling baluktutin ang batas, pero ang ipamigay mo ang hindi mo pera ay immoral.

O baka naman dahil sa nakita niyang kaya niyang agawin ang Malakanyang ay pinakikita niya na lahat kaya niyang agawin pati na ang pera ng sambayanan lalo na ang salaping nilagak ng mga pobreng bayani ng bayan.

******
Tawag ho ni Cebu Archbishop Jose Palma sa mga supporter ng Reproductive Health Bill o RH Bill ay mga terorista dahil kumikitil dawn g mga inosenteng buhay ang mga taong gumagamit ng contraceptive gaya ng condom.

Nagtataka lamang tayo sa pinagsasabing ito ng magaling na Archbishop dahil paano naman papatay ng inosente ang paggamit ng condom at mga contraceptive, puwera lamang ang abortion.

Siguro maaari ito kung ang condom ay gagawing balloon at ibabalot sa mukha ng isang bata.

Medyo pikon at halatang hindi na makatuwiran ang mga hirit na ganuon ng simbahang Katoliko. Isa ang dapat nilang ilagay sa isip nila at iyan ay ang patuloy na paglobo ng ating populasyon samantalang naninindigan naman ang mga KaParian na hindi ipamahagi ang mga ari-arian ng mga simbahan.

Maawa naman kayo at intindihin niyo ang tunay na kalagayan ng bansa. Umapak naman sana kayo sa lupa at lumabas ng mga simbahan niyo.

******
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: