NAKAKALOKONG OMBUDSMAN

Mukhang nahihilo na ang opisina ng Ombudsman kung saan huhusgahan ng senado sa nalalapit na panahon itong si Ombudsperson Merceditas Gutierrez sa Senado.

Sa nais na ipakitang ginagawa nila ang trabaho nila ay nagsampa ng kaso sa mga kasali sa fertilizer scam pero hindi naman kasali si Madam Senyora Donya Gloria at si Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo.

Ang matindi nito. Si Ginoong Jose Barredo na siyang naglakas loob na isiwalat ang katotohanan at hindi nakinabang ni isang kusing sa maanomalyang transaction ay dinamay pa sa kaso at sinampahan ng plunder case.

Kung talagang nais ipakita ng opisina ng ombudsman na totohanan ang trabaho nila, sampahan nila ng kaso ang mga tunay na may sala at hindi ang mga pinahirapan ng nakaraang administrasyon dahil sa pagbubulgar ng katotohanan.

******
Nakikiusap tayo sa mga opisyal ng simbahan Katoliko na sana naman intindihin nila ang nais ng pamahalaan na ipatupad ang RH Bill o Reproductive Health Bill at Responsible Parenting Bill lalo na ngayong panahon ng Holy Week.

Wala tayong nakikitang masamang gagawin ng dalawang batas na ito maliban sa turuan ang lahat ng tamang pagplaplano sa pamilya at paggamit ng contraceptives gaya ng condom.

Intindihin naman nila na masyadong lumolobo ang ating populasyon na malapit ng umabot sa 100 milyong. Maliit na bansa tayo pero sumosobra dami ng mamamayan natin.

Isa lang ang hindi dapat ipatupad dito sa atin at kasama tayo ng mga Pari and Madre na tututol rito at iyan ay ang payagan ang abortion. Kahit ba hindi pa pinapanganak, ang abortion ay pagkitil sa buhay.

Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, marami kaming nasa likod niyo sa paninindigan niyo para sa RH Bill.

******
Pakiusap rin sa mga pamilya ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos na isang paraan ng pagpapakita nila ng kanilang pagiging makabayan ay iatras na nila ang nais nilang ipalibing sa Libingan ng mga Bayani ang pinatalsik na pinuno ng bansa.

Sobrang nahahati ang bayan dito at muling nagkakasakitan ang mga biktima ng dating Pangulo at mga Marcos loyalist.

Maraming ibang suliraning kinakaharap ang bayan, lalo na ang kahirapan na patuloy na lumalaki na siyang dapat nating harapin at labanan.

Tandaan nating hindi magbibigayan ang magkabilang panig sa isyung bayani ba si Marcos o hindi, buo na ang paninindigan nila at kahit anong debate ang gagawin hindi magkakasundo ang lahat.

Maganda ipakita ng mga Marcoses ang kanilang pagiging makabayan kung iaatras nila ang planong pagpapalibing at instead sa Ilocos Norte na lamang nila ilibing ang yumaong Pangulo.

Na kay Senador Bongbong Marcos, kay Gov. Imee Marcos at pamilya ang pagkakataong patunayan ang pagmamahal ninyo sa bayan.

******
Kaarawan ho kahapon ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at gaya ng nakagawian niya ay inuna niya ang mga masang patuloy na tumatangkilik sa kanya. Sir, sana dumami pa ang kaarawan niyo.

Kay Tita Guia Gomez, ang alkalde ng San Juan na ngayong araw na ito ang kaarawan, Maligayang Pagbati Tita.

******
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: