NAIA ISA SA PINAKAPANGIT SA MUNDO

Ang Ninoy Aquino International Airport ay kasama sa sampung pinaka pangit na airport sa buong mundo at pinakamasama sa buong Asia.

Bakit hindi tayo nagtataka? Obvious na obvious naman ito at lahat tayong nagbibiyahe ay lubhang nalulungkot tuwing makakatuntung sa ibang paliparan.

Huwag na nating ikumpara ang sarili natin sa mga paliparan sa Singapore, Hongkong, Bangkok kung hindi sa Vietnman na lamang na malaking pagkakaiba sa atin.

Ang NAIA, lalo na ang terminal 1 and 2 ay literal na bulok na bulok mula sa mga banyo hanggang sa mga x ray machines na ultimo mga tray na lalagyan ng gamit ay kulang. Isama pa natin ang mga push cart, whew!!!

Tandaan sana natin na anumang gawing promosyon ng Department of Tourism sa pamumuno ni Sec. Bertie Lim ay mapapawalang silbi kapag makitang personal ng isang turistang unang beses pumapasyal sa ating bansa.

Pagpasok sa toilet, walang tubig, walang toilet paper at literal hong mabaho. Marami pa namang mga nagbibyahe ang pagdating sa airport ay dadaan sa banyo muna bago magtuloy sa immigration na saksakan rin ng haba ang pila dahil sa kokonting mga counter.

Hindi ko na hahabaan ang pagtalakay sa mga baggage conveyor na iilan ilan lang, lalo na ito sa NAIA 2 na siya pa namang ginagamit ng Philippine Airlines, ang pambansang airline.

Paalis at parating, manghihina ka sa kondisyon ng dalawa nating terminal. Ang ikatlo naman, ang NAIA 3 ay binabalot pa ng kontrobersya at sana sa lalong madaling panahon ay maayos ito.

Kailangan nating ayusin ang mga airport natin, payo natin sa mga kinauukulan sana apurahin ang pagsasaayos ng NAIA 3 upang magamit na ito. Apurahin natin ang mga gusot dito at wala na naman sa poder ang mga kumita rito kaya mas madali na ang mga paguusap.

Ang dalawang naunang terminal naman, linisin naman natin pansamantala, tiyaking may tubig at mabango at malinis ang mga toilet. Kailangan ito kung ayaw nating matsismis sa buong mundo at ayawang pasyalan ng mga turista.

Hindi ho malaking gastos ito at tiyak naman natin sa pamumuno ng bagong General Manager ng NAIA ay maisasakatuparan ito, tiyak ko hong walang personal na interest iyang si GM Jose Angel Honrado at nais niya lamang gampanan ang kanyang tungkulin.

Medyo konting apura lamang sana dahil sa bawa’t araw na tunatagal ang problema ay nasisira ang imahe ng ating bansa.

Siyanga pala, hindi lamang mga toilet sa terminal ng dalawang airport ang sana bigyang pansin ng mga kinauukulan kung hindi mga public toilets kahit sa mga malls at mga pier.

Sama niyo na ang mga gasolinahan at iba pang mga tinitigilan ng mga biyahero lalo na ngayong panahon ng Holy Week kung saan marami ang nagbabakasyon.

Of course, kung malinis naman at merong tubig at toilet paper, sana naman tayong mga gumagamit ay pangalagaan naman at huwag magaksaya. Huwag rin natin tirahin ang toilet paper para naman may magamit ang mga susunod.
******
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: