KAKULANGAN NG PAGKAIN KASUNOD NA

Patuloy na tataas ang presyo ng produktong petrolyo hindi lamang dito sa atin kung hindi sa iba’t ibang parte ng mundo. Ito’y sa kadahilanang lumalaki ang pangangailangan dito dahil sa patuloy na pagunlad ng mundo at ang patuloy na paglobo ng ating populasyon.

Dagdagan pa ang mga kaguluhan sa mga bansang pinanggagalingan nito gaya ng Libya, UAE, Syria at ilan pang mga kaharian diyan sa Middle East. Mga kaguluhang asahan nating lalawak pa dahil sa mga pang-aabuso ng mga pinuno nila na tinuturing ang bansa nilang kanilang sariling pag-aari.

Ang mga pagbabago naman sa ating panahon o climate change ay isa ring dahilan at dagdagan pa ng mga kalamidad sa iba’t ibang parte ng mundo gaya ng nangyayari sa bansang Hapon ngayon.

Tandaan nating maraming bansa na dati rati ay gumagamit ng Nuclear energy pero sa nangyari sa Japan ay biglang atrasan at saan ba babalik ito kung hindi sa produktong petrolyo muli.

Of course maraming mga mauunlad na bansa gaya ng Amerika, China at mga bansa sa Europa ang gumagamit ng enerhiyang nakukuha sa hangin, araw, tubig at iba pa pero ang mga bansang mahihirap katulad natin patuloy pa rin ang paggamit sa lumang sistema at iyan nga ay produktong petrolyo.

Komo mas marami ang mga mahihirap na bansa at kahit ang mga mauunlad ay malaki pa rin ang inaasa sa produktong petrolyo, asahan na patuloy na tataas ito at dahil diyan nagtataasan na ang presyo ng pagkain at asahang tataas pa.

Realidad ito at wala tayong magagawa dahil na nga sa patuloy nating pagasa sa produktong petrolyo at hindi nating paghahanda sa panahong ito kung saan lumiliit ang supply nito pero lumalaki naman ang pangangailangan.

Pero matindi nito ay kung patuloy na tataas ang presyo ng produktong petrolyo, asahang apektado ang lahat ng ating pagkain na nakakalungkot sabihin ay malaking bahagi ang inaangkat na natin kasama na ng bigas.

Tandaan natin, kahit na hindi imported ang iba nating pagkain ay kailangan rin ng produktong petrolyo at paalala rin na ang fertilizer ngayon ay galing rin sa produktong petrolyo.

Sa madaling salita, tataas ito ng tuluy tuloy at buong mundo, uulitin ko kaibigan, buong mundo ay magtataasan ng pagkain at iba pang bilihin. Katunayan nangyayari na ito. Ang presyo ng bigas sa Vietnam at Thailand na siyang mga malalaking exported ay tumataas na. Ganuon din ang presyo ng trigo na galing naman sa US, China, Australia at iba pang bansa.

Dahil diyan, maraming mauunlad na bansa ang nag-iimbak ng pagkain gaya ng bigas at trigo na siyang nagiging dahilan para lalong tumaas ang presyo. Ultimo bansang Bangladesh, isang mahirap na bansa gaya natin, ay nagiimbak ng bigas.

Ayaw nating manakot pero darating ang araw na mauuna nating maramdaman ang kakulangan ng pagkain sa laki ng ating populasyon at iyan ay sa kadahilanang wala tayong paghahanda.

Sana mali tayo at may nakahandang contingency plan.

******
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: