HYBRID RICE

Nuong Biyernes ay naanyayahan tayo ni Ginoong Henry Lim Bun Liong para dumalo sa isang harvest festival diyan sa Allado, Nueva Ecija kung saan ang panauhing pandangal ay ang magkapatid na Ballsy Aquino Cruz at Pinky Aquino Abellada, dalawang ate ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sumabay tayo kay Ka Lito Banayo, ang kasalukuyang administrador ng National Food Authority.

Personal nating nakita at narinig ang nagawa nitong hybrid rice of SL 8H na gawa ng SL Agritech, isang local na kumpanya.

Ang bansang China kung saan meron silang populasyon na mahigit isang bilyon ay gumagamit na nitong hybrid rice. Ang Vietnam na isa sa pinakamalaking producer ng bigas sa buong mundo at kung saan isa sa pangunahing source ng ating bigas ay naguumpisa na ring gumamit ng hybrid rice.

Ang Indonesia, Malaysia at Bangladesh namimili na rin ng binhi mula sa ating upang itanim sa kanila.

Ayon sa mga magsasakang nakausap natin ay hindi lamang nadodoble ang produksiyon ng kanilang mga ani kung hindi mahigit triple pa sa ilang pagkakataon.

Problema lamang kaya ayaw pa ng iba ay madisiplina ang sistema rito, hindi basta basta saboy lang ng saboy ng binhi, dapat alagaan ng husto at sundin ang mga sistema pero okay lang sa mga magsasaka kasi maganda naman ang kapalit.

Kay Ginoong Ricardo Buenaventura ay 266.23, kay Ginoong Severino Velaquez ay 280.47. Pinakamalaking naaniay sina Fernando Gabuyo, 335; Severino Payumo, 345.60 at Severino Velasquez, 280.47. Lahat sila taga Nueva Ecija.

Sa Tarlac, Ilocos Norte, Pangasinan, Mindoro at Mindanao may mga magsasaka na ring gumamit at base sa karanasan nila, mahigit doble ang ani kumpara sa 70 sako kada ektarya sa lumang sistema.

Ito ang kasagutan para umunlad ang magsasakaat maging self sufficiency, tanong lang, bakit ayaw ng ilang opisyal ng Department of Agriculture?

******
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com

******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: