MITOS MACAPAGAL, OOPS MAGSAYSAY PALA

Ayaw aminin ng mga magaling na abogado ni Cesar Mancao, hindi na natin babanggitin ang pangalan at baka sumikat pa, na may malaking pondong pinakawalan ang mga dating kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria na malaki ang pondong binigay sa kanila upang dungisan ang pangalan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Todo tanggi rin ang isa namang anti crime crusader sa balitang patuloy na pinopondohan siya ng mga kampon ng kadiliman para sirain si Sen. Ping. Gaya ng abogadong kulang sa pansin, hindi na rin natin dapat banggitin ang pangalan ng kulang sa pansin na ito at obvious namang parang juke box na pag hinulugan ng barya ay kung ano ang kantang nais ng naglaglag ng pera.

Kesyo nais lamang daw nilang ilabas ang katotohanan at wala raw kinalaman kahit ano si Madam Senyora Donya Gloria. Pinalalabas pa ng magagaling na taong mga ito, kasama na rin ng isang mataas na opisyal ng gobyerno na panay rin ang hirit dahil nais namang tumakbong senador.

Hindi rin natin papangalanan ang babaeng itong kulang sa pansin at baka makadagdag pang boto sa kanya.

Kaso hindi makatiis ang grupong ito, mga kampon ng kadiliman na panginoon ay mga gambling lord at kuwarta.

Nang makita nilang natalo na sa Court of Appeals at unti unti nawawala ang pag-asa nilang makaganti kay Sen. Ping na siyang nagbulgar ng maraming anomalya nuong nakaraang administrasyon at hirit na naman pero ngayon lantaran na.

Problema nga lang ng paglantad ni Congresswomen Mitos Macapagal, oops Magsaysay pala ay para silang isdang nahuli sa bibig.

Ang pagwawala ni Rep. Macapagal, sorry nagkakamali, Magsaysay na kailangan daw imbistigahan kung anong papeles ang ginamit ni Sen. Ping sa pagbabalik sa Pilipinas ay patunay na kailangan ng susian ang iba pang mga alagad ng ZTE, Fertilizer scam, Jose Pidal at Hello Garci.

Buking na buking at malinaw na pinakita sa sambayanan na kamay nga ni Jose Pidal at ni Mrs. Pidal ang patraydor na sumasaksak kay Sen. Ping.

Nahuli sa bibig ang mga isdang malalansa.
******
Paumanhin nga pala, ang pangalan ho ni dating Davao city Mayor at ngayo’y Vice Mayor ay Rodrigo Duterte. Sensya na ho, bagama’t kasama pa rin siya ni Sen. Ping sa namimiss natin lalo na at patuloy na lumalala ang krimen sa buong bansa.

Sa pagsugpo ng krimen, kailangan natin ng isang pinuno na handang gamitin ang kamay na bakal.

Importante sa atin ay human rights ng mga biktima at hindi ng mga criminal gaya ng mga nagmamanufacture at nagtutulak ng droga.

Kung hindi masusugpo ang krimen, ang turismo na siyang pinakamalaking pagasa ng ating ekonomiya ay hindi aangat kahit kelan. Anuman ang ginagawa ni Sec. Bertie Lim ng Department of Tourism ay mauuwi saw ala.

Tandaan natin, walang loko lokong turista ang nais mamasyal sa atin upang makipagpatintero sa mga criminal. Ganuon din ang mga foreign investor.

******
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: