KAMAY NA BAKAL KAILANGAN SA PAGSUGPO NG KRIMEN

Namamayagpag na naman ang mga kidnapper, marami lamang hindi na nailalathala sa pahayagan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga biktima. Patuloy rin ang mga kaso ng robbery holdup kung saan hindi lamang pagnanakaw ang gagawin kung hindi walang habas pang papatay.

Ang mga kaso ng ordinaryong krimen, mula sa snatching ng mga cell phone ay pataas rin ng pataas. Ang mga riding in tandem na motorcycle gang na nag-hahari sa pang-aagaw ng bag at iba pang pinaghirapan ng mga kababayan natin ay patuloy na kuwento sa anumang umpukan.

Andyan pa rin ang ngayong araw araw ng balitang carnapping o carjacking, alin mang modus operandi ang ginagawa ng mga pusakal na ito.

At siyempre ang mga pangkaraniwan ng nagtatanggal ng mga side mirror ng sasakyan at iba pa upang ipagbili sa mga second hand shop diyan sa Banawe.

Ang mga akyat bahay naman o kahit mga sungkit gang tuloy rin sa kanilang gawain.

Lahat ng uri ng krimen, lumalaki ang bilang. Hindi natin kailangang magbasa ng pahayagan – tabloid man o broadsheet upang malaman ito. Hindi na rin natin kailangang making sa radio.

Para na nga tayong wild wild west, parami ng parami ang biktima ng iba’t ibang uri ng krimen. Tanging nakakalusot, mga super yaman na nakatira sa mga exlusive subdivision na super dami ang gwardya o mga can afford na magbayad ng mga private guards, puwera pa riyan ang mga nag – aalaga ng mga naglalakihang aso.

Of course, sa mga pribadong subdivision, paminsan minsan nalulusutan pa sila ng konting nakawan pero ito ay dahil sa may mga criminal na silang kapitbahay.

Nakakatakot na itong mga pangyayaring ganuon, ultimo maglakad sa gabi o medyo late na pag – uwi ng ating ka pamilya ay kinakabahan tayo. Hindi naman sila ubrang tawagan dahil baka pag sinagot nila ang cell phone nila habang naglalakad o nakasakay sa jeep o bus ay maagaw pa ito.

Puwera pa riyan ang patuloy na suliranin ng mga iligal na droga na puro mga pipitsugin lamang ang nahuhuli pero ang mga mastermind na karamihan mga dayuhan at mga protector nila na siyempre mga pulis ay patuloy na namamayagpag.

Andyan pa ang mga pulitiko na bagama’t medyo nag li lie low ngayon ay patuloy na nagtataglay ng private army na siyang armado rin. Hindi pa rin natatapos ang kaso ng mga Ampatuan at walang tigil na patayan sa Mindanao. Hostage taking nga pala patuloy pa rin.

Kakalungkot at lubos na nakakabahala ang mga pangyayaring ito. Bukod sa pagdadagdag ng kaba sa ating lahat sa lahat ng oras ay sumisira rin ang lahat ng ito sa imahe ng ating bansa.

Kailangang magkaroon ng solusyon sa mga suliraning ito at kahit na kilalang malinis at mabait si Sec. Jess Obredo ng DILG hindi maiwasang ma – miss ng sambayanan, kasama na ng inyong lingkod si Sen. Panfilo “ Ping” Lacson o Mayor Jesus Duterte ng Davao city.

******
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: