WALANG KAMATAYANG CHA CHA

Buhay na naman ang usapan tungkol sa pagpapalit ng ating Saligang Batas. Nagumpisa ang usapan dahil sa panukala ng isang kongresistang dating kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria at ngayo’y kakampi kuno ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sundan naman ito ng mga abogado at mga retiradong mga mahistrado na pawang mga appointee pa rin ni Madam Gloria.

Ang Malakanyang naman, malinaw na malinaw ang sagot – “wala kaming nakikitang dahilan bakit dapat gawing priyoridad ang cha cha sa kasalukuyan.”

Ang statement na ito ng Malakanyang ay malinaw pa sa sikat ng araw pero bakit hindi tumahimik ang usaping ito lalo na sa mga miyembro ng Kongreso. Pangitang pangita ang kulay ng bawa’t isa sa kanila. Kahit ba nagsuot na sila ng dilaw, halatang ang kanilang puso ay nakadikit pa rin kay Madam Gloria, lalo na at kitang kita nila na wala silang makukurakot sa administrasyon ni P – Noy.

Alam nating lahat na sa pagpapalit lamang ng sistema ng gobyerno may pagkakataong makabalik si Madam Gloria na hindi pa rin matanggap na wala na siya sa Malakanyang.

Imposibleng manalo bilang Pangulo ng Pilipinas si Madam Gloria. Hindi naman maikakaila na nakuha niya lamang manirahan sa Malakanyang dahil sa nangyari kay dating Pangulong Joseph “Erap”
Estrada at ang pangalawang beses naman ay utang niya kay dating Comelec Commissioner Virgilio “Hello Garci” Garcellano.

Ngayon kung papalitan nila ang sistema ng gobyerno at kakayanin nila dahil pera pera lamang ang karamihan sa kongreso, kailangang gawing Parliamentary at ang magiging pinuno ng bansa ay hindi isang Pangulo kung hindi isang Prime Minister.

Sa ganuong paraan, hindi tayo ang pipili ng pinuno ng bansa kung hindi mga miyembro ng Parliament (ibig sabihin mga kongresista) na madali namang ayusin.

Ika nga ng isang kaibigan natin, “buyable” naman karamihan diyan sa kanila. At komo “buyable” sila, alam natin sino ang magaling mamili at walang iba kung hindi si Madam Gloria.

Kung mangyayari ito, balik sa Malakanyang ang Reyna ng ZTE, Fertilizer, Macapidal Highway, Mrs. Jose Pidal at kung ano ano pa.

Tayo namang mamamayan, sorry na lang at kahit sa mga nagpursiging mapaalis ang pinaka corrupt na administrasyon sa bansa ay pasensya na lang. Wala na tayong magagawa.

Dahil diyan, ngayon palang, tutulan na natin ito. Tiyakin nating hindi ito papasa kahit sa Kongreso. Magbantay tayo at huwag nating isiping hindi nila kayang puwersahin ito.

Tandaan natin, ang masama ay parang mga ipis na kahit na patayin mo ay dadami lang ng husto. Ang kailangan lipulin sila.

Uulitin kayo, huwag tayong tutulug tulog, tiyakin nating hindi tayo iisahan ng kampon ng kadiliman na nais na naman tayong yungyungan.
******
Para sa anumang reaksyon text sa 09273893248

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: