USAPAN TUNGKOL SA PAGKAMATAY NI SEC. ANGELO REYES

Kahapon ng umaga ay kumalat ang balita tungkol sa pagpapatiwakal ni dating AFP Chief of Staff, Defense Secretary, National Security Adviser, Interior and Local Government Secretary, Environment and Natural Resources Secretary ay Energy Secretary Angelo Reyes.

Sa mga balita ay nagbaril sa sarili si Sec. Reyes sa harap pa ng puntod ng kanyang Ina kahapon ng umaga sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Patay na ng sinugod sa ospital si Reyes na isa sa pinakasikat na personalidad nitong nakaraang mga araw dahil sa diumanoy pagtangap niya ng daang milyong piso bilang pasalubong at pabaon bilang Chief of Staff ng AFP.

Dahil sa mga rebelasyong ito, lumaki ang imbistigasyong ginagawa sa Senado at sa Kongreso kung saan lumalabas na ang mga kawawang kawal natin na siyang literal na binabala natin sa pakikipaglaban sa mga rebelde ay nabubuhay ng isang kahig isang tuka at gamit pa ang mga palpak na armas at suot ang mga mababang kalidad na uniporme samantalang ang mga heneral at mga bataan nila ay humahango ng milyong milyong piso at nakakabili ng mga bahay hindi lamang rito kung hindi sa ibang bansa.

Pero ang suicide na ito ni Reyes ay tiyak na pansamantalang magpapatigil sa mga imbistigasyong ito. Sana lang ay hindi ito maging dahilan upang lumamig ang isyu at makalimutan ito.

Bagama’t ang pagkamatay ni Reyes ay magiging kasiyahan ng ilang taong tiyak nating natatakot nab aka maituro niya.

Anyway, sa ginawang ito ni Reyes ay pinakita niya na kahit paano ay may natitirang honor sa kanya at tiyak hindi niya mapigilan ang kahihiyaang dinudulot ng mga rebelasyon na hindi lamang nakakasira sa kanya kung hindi sa buong institution ng Sandatahang Lakas.

Ang ginawa niya, kahit na marami siyang nagawang pagkakasala nuong nakaraan ay isang sistemang ginagawa ng mga Hapon – ang pag haharakiri upang malinis ang dangal.

Sabi nga lang ng ilan sa mga nakakausap natin kasama na ng mga nagtetext sa atin at nagtwitwitter at facebook na nais nilang makita sumunod ang iba pang mga opisyal na kahit sa huling sandali ay ipakita na meron silang honor at dangal bilang mga kawal ng Republika ng Pilipinas.

Hirit naman ng iba ay sana raw sumunod ang Commander in Chief ni Reyes sa yapak nito. Dito sa request na ito ng ilang mga taong ito, tingin natin medyo malabo.

Sa mga heneral naman o pulitikong nababagabag ngayon, may mas maganda ho kayong gawin at iyan ay isiwalat ang katotohanan. Hindi niyo ho kailangang sundan si Reyes, mas maibabangon niyo ang honor, dangal at respeto ng sambayanan at pamilya niyo kung handa isiwalat niyo ang katotohanan at ituro niyo ang mastermind sa lahat ng corruption diyan sa AFP.

Sana rin hindi lamang diyan sa AFP magkaroon ng isang tunay na imbistigasyon, sana sa ibang sangay din ng gobyerno kung saan alam nating sumobra ang pangungurakot.

Once and for all, tapusin sana ito para makasulong na ang bansa natin na walang dalang bagahe ng corruption at nakawan.

******
Para sa anumang reaksyon text sa 09273893248

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: