TOTAL GUN BAN PATUPAD, DEATH SENTENCE IBALIK

Dalawang amang kilala natin ang puno ng kalungkutan dahil sa sinapit ng kanilang mga anak. Una si Atty. Oliver Lozano at pangalawa si Boy Evangelista, isang personal nating kilalang car dealer.

Ang dalawang amang ito ay puno ng pighati sa sinapit ng kanilang mga anak na pinaslang ng mga walang kaluluwang mga tao (mga demonyo malamang) at sinunog matapos karnapin ang kanilang mga sasakyan.

Nakikiramay tayo sa pamilya Lozano at Evangelista. Bagama’t aaminin nating hindi tayo natutuwa kay Lozano sa ginawa niya nuong araw ng magpagamit siya kay Madam Senyora Donya Kongresista Gloria sa mga impeachment cases laban dito, walang karapatan ang mga walanghiyang dumukot sa kanyang anak na kanilang pinaslang at sinunog pa.

Dahil sa karumal dumal na pagkamatay ng dalawang kabataang ito na nais lamang kumita ng pera sa pamamagitan ng pagbebenta ng second hand car, muling nabuhay ang panawagan na ibalik ang parusang kamatayan sa mga criminal.

Sangayon tayo sa panawagang ito lalo na kung ang hahatulan nito ay mga drug lord, rapists at iba pang mga walang kaluluwang mga nilalang. Sana lang ay sa pagkakataong ito, matuloy na ito at hindi lamang paguusapan gaya ng mga nakaraang mga panawagan.

Ilang ulit na ho kasi nabuhay ang isyu at pinagtalunan ang death sentence pero pag pasok ng ibang isyu, nakakalimutan na ito ng mga magagaling nating mga kongresista at senador na tipong nais lamang ay mabasa ang pangalan nila sa pahayagan at marinig sa telebisyon at radio.

Lawakan lamang sana ang paparusahan ng death sentence lalo na ang mga drug lord at drug dealer, lalo na kung mga dayuhan para magsilbing panakot sa sinumang magtatangkang magpasok ng iligal na droga sa bansa.

Karamihan kasi sa krimeng nagaganap sa atin ay bunsod ng iligal na droga.

Baguhin rin ang sistema, bilisan ang paglilitis at pag napatunayang may sala, apurahin ang pagsasagawa ng sentensya upang hindi na magamit ang salaping nakuha rin sa masamang paraan at makatakas pa.

Magkaroon lang sana ng special courts na lilitis sa mga karumal dumal na kaso kung saan ang mga huwes ay hindi matatawaran ang integridad.

Pangalawang isyu ay panawagan naman ng mga car dealer na payagan silang dalhin ang baril nila kahit saan.

Dito ho tutol tayo. Ang dalawang napaslang, kahit na may baril ay hindi makakalaban kung paplanuhin sila. Ang mas dapat, ipagbawal ang kahit na sinong walang uniporme na magdala ng anumang armas. Kahit pulis o sundalo basta hindi nakauniporme dapat hindi pwedeng magdala ng armas.

Sa ganuong paraan, kahit na sinong naglalakad na may baril ay madaling sitahin at hulihin. Tiyak namang ang mga walanghiyang pumaslang kay Venzon Evangelista at Emerson Lozano ay armado at naka sibilyan (ito ay kung sakaling mga pulis o sundalo ang mga may gawa nito, sana lamang ay hindi).

Kung total ang gun ban, hindi makakakilos ang mga taong ito at malamang buhay pa ang dalawang kawawang biktima.

Pustahan tayo, balik ang death sentence at patupad ang total gun ban, bababa ang krimen.

******
Para sa anumang reaksyon text sa 09273893248

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: