SEC. DE LIMA, KAALYADO NI MADAM GLORIA?

Nagbalik na nga si Sen. Panfilo “Ping” Lacson nuong nakaraang linggo. Lulan ng isang Cathay Pacific plane mula sa Hongkong, tahimik siyang pumasok sa Cebu kung saan siya matagal na nanungkulan bilang hepe ng Metrodiscom.

Sa Cebu rin unang pinatunayan ni Sen. Lacson ang galing niya bilang isang pulis sa pagsugpo niya ng krimen sa probinsiyang ito, lalo na ang mga kidnapping cases na binura niya na siya namang kinagalak ng mga mamamayan duon kaya ginawa siyang adopted son ng Cebu.

Of course, ang ginawang ito ni Sen. Lacson sa Cebu ay ginawa niya sa buong bansa nung hirangin siya bilang hepe ng Presidential Anti Organized Task Force (PAOCTF) na naging dahilan para piliin siya bilang hepe ng Philippine National Police.

Hanggang sa araw na ito, si Sen. Ping ang siyang tanging hepe ng PNP na bukod sa paglipol ng mga criminal, lalo na mga kidnappers at drug lord, ay nagpatigil pansamantala ng jueteng.

Ang polisiya niya na hindi siya tatanggap ng kahit isang kusing mula sa jueteng ang siyang naging dahilan kaya napilitang tumigil ang mga jueteng lord na muling nabuhayan at namamayagpag sa pagkawala niya.

Siya rin ang tanging hepe ng PNP na nagtagumpay alisin ang kotong sa pulis na siya namang kinagagalak ng sambayanan hanggang sa araw na ito.

Dahil sa mga nagawa niyang iyan, dagdagan pa ng walang habas niyang pagbubuking kay sa mga katiwalian sa gobyerno kasama na ng mga pagkagahaman ni Madam Senyora Donya Gloria at ni Sir Senyor Jose Pidal ay pilit siyang pinakukulong ng mga kampon ng kasamaan.

Marami sa mga kampon ng kasamaang ito ay nasa poder pa rin dahil sa salaping hawak nila, bagama’t unti unti nilalansag ang mga mala sindikatong grupong ito ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Kasama riyan ang mga drug lord, jueteng at gambling lord, mga opisyal ng pulis, mga pulitiko at siyempre ang mga nakinabang at namasasa sa nakaraang administrasyon.

Kasali rin diyan ang mga kumita ng husto dahil sa nagmukha silang juke box na kapag nilalagyan ng salapi ng mga kampon ni Jose Pidal ay ituturo si Sen. Lacson bilang masternmind ng lahat ng krimen sa Pilipinas.

Sa laki ng kinikita nila, si Sen. Ping rin ang mastermind ng pagpaslang kay Gat Jose Rizal dahil mestisahin ang asawa at malamang may dugong kastila. Siya rin ang may sala dahil sa pagpaslang kay Gat Andres Bonifacio dahil taga Cavite siya, probinsiya rin ng unang Pangulo nating si Emilio Aguinaldo, na siyang nagutos na tugisin si Bonifacio.

Pero ang mga ginagawa ng mga taong, kasama na nitong si Cesar Mancao, ay nauunawaan natin. Pera pera lang, ika nga ng mga corrupt. Kailangan nga naman nilang kumita lalo na ngayong naiipt ang mga corrupt ng matuwid na daan ni P – Noy.

Ang nakakapagtaka lamang si Justice Secretary Leila de Lima na mistulang kakampi at kaalyado ni Madam Gloria.

Hindi natin mawari ito pero sabi nga ng ilang kausap natin – pera pera lamang. Sana hindi!

******
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: