PREDIKSYON PARA SA MIDDLE EAST

Hindi basta basta matitigil ang mga kagulugan sa ilang mga bansa sa Middle East at North Africa.

Pagbagsak ng gobyerno ng Tunisia at Egypt ay nagising ang mamamayan ng mga bansang Libya, Yemen, Bahrain, Iran , Jordan, Morocco at iba pa.

Lahat ang mga bansang ito ay kontrolado ng pag hindi mga hari ay mga sundalong matagal ng panahong ayaw bumaba sa puwesto pero patuloy na nakikinabang sa yaman ng kani kanilang bansa. Karamihan sa mga bansang ito ay may mga langis at natural gas.

Nagkaduguan na sa ibang mga bansang ito lalo na sa Libya kung saan ang pinunong si Moammar Gadhafi ay panahon pa ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos namumuno na sa kanilang bansa.

Si Gadhafi rin ang naging best friend ni dating First Lady Imelda Marcos na personal pang pinag-drive sa Tripoli, Libya nang bumisita siya ruon.

Pare-parehong mga diktador nagsasama pero tumagal lamang ng husto si Gadhafi at ilan pang mga hari, emir at kung ano ano pang tawag sa middle east sa mga pinuno nila.

Karamihan sa kanila, nagiging pinuno ng bansa dahil pamilya nila ang naghahari at kung ituring nila ang bayan nila ay sila ang nagmamay-ari rito.

Nitong nakaraang ilang linggo, marami sa mga mamamayan ng bansang ito ang nagigising sa katotohanan at ginagawa ang People’s Power natin. Lumalaban sila sa pag-mamartsa pero sa mga lugar na gaya ng Libya, pinagpapatay sila.

Ganuon din sa Bahrain na ilan din ang namatay sa matahimik na protesta.

Sa mga pangyayaring ito, alam ng mga pinunong mga bulok na ito na bilang na ang araw nila. Kung manggugulo sila at papatay gaya ng ginawa ni Gadhafi, buong mundo ay magagalit at matutuluyan. Kung hindi mapatay ay hindi malayong maaresto sila at lahat ng ninakaw nila mauuwi saw ala.

Wala ring bansang tatanggap sa kanila.

So ano ang gagawin nila, ito ang tanong ng marami.

Kahit hindi tayo psychic o manghuhula, tiyak nating gagawa ng paraan ang isang bansang nagkakagulo upang ilihis ang atensiyon.

Ano ang paraang ito, simple ho. Abangan natin na biglang magkakaroon ng initan sa pagitan ng isa pang bansang Arabo gaya ng Lebanon sa Israel.

Iinit masyado ang iringan nila at mauuwi sa matinding banatan. Ang mga Arab countries naman na nagkakagulo ngayon, sasaling bigla at bubuhayin ang matagal na alitan ng mga Arabo at Hudyo.

Paalala lamang ho, panahon pa ng Biblya, magkabangga na ang mga bansang Arabo at ang bansa ng Hudyo. Sa salitang masa, personalan ang laban nila. Hindi lamang nga personalan, lahi sa lahi at hindi ito matitigil kung hindi magkakaubusan.

Tantya natin, anytime magkakaruon ng ganitong insidente na siya namang lalong magpapalala sa sitwasyon sa Gitnang Silangan at matinding makakaapekto sa buong mundo. Malaking bahagi kasi ng langis ng gamit ng sangkatauhan ay galing sa naturang lugar.

Kapag nangyari ito, hindi basta papayag ang mga Hudyo, bakbayan ito at presyo ng langis abot langit ang taas. Bilihin tataas rin at gulo dahil sa gutom hindi lamang duon kung hindi sa ibang bahagi pa ng mundo.

Nakakatakot at sana magkamali tayo.

******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: