PILIPINAS NAGING SINGAPORE KUNG NANATILI ANG MGA MARCOS?

Sabi ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kung sakaling walang Edsa 1 kung saan pinalayas ang kanyang ama ay malamang na kasing unlad na tayo ng Singapore.

Mahirap nating sagutin kung tama ba siya o hindi dahil unang una ay napalayas nga ito ng sambayanan 25 limang taon na ang nakaraan dahil ayaw bumitiw sa puwesto at niluto pa ang election kaya napuno ang sambayanan at nagkaisang magkaroon ng People’s Power na siyang tinatawag nating Edsa revolution.

Pero ang kayang nating tanungin ay hindi ba matagal na silang naghahari sa Ilocos Norte, si Sen. Bongbong ay naging gobernador ng naturang lalawigan na ilang taon at ngayon kapatid naman niyang si Imee Marcos na dati ring kongresista ang gobernadora ngayon.

Ang ina nila na si Ginang Imelda Romualdez Marcos na mas kilala sa buong mundo bilang may-ari ng libo libong pares ng sapatos ay kongresista rin ng naturang lalawigan.

Hindi kailanman nawala sa kanila ang poder sa kanilang probinsiya kahit na nuong sila ay nasa Hawaii. Mga bataan nila ang naghahari sa naturang probinsiya pero si Sen. Bongbong ay tatlong termino o siyam na taong naging gobernador duon.

Ano ba ang nangyari sa naturang probinsiya sa pamumuno nila. Umunlad ba ito ni konti kung ihahambing sa ilang mga probinsiya sa ating bansa?

Naging parang Singapore ba ito o Xiamen, China man lang? Malaking hindi, ilang beses tayo nagtungo duon pero wala tayong nakitang tanda ng kaunlaran.

O baka naman ang ibig sabihin ni Sen. Bongbong ng parang Singapore na sana ang Pilipinas kung nanatili sila dahil si ang First Gentleman ng Ilocos Norte ngayon ay isang Singaporean. Iyon siguro!

******
Sa mga kakampi ng mga Marcoses ay pinagdidiinan nila na wala raw naging silbi ang Edsa sa ating bayan. Sabi nila patuloy pa rin daw ang paghihirap at paghihikahos ng ating bayan.

Tanong ko lang ho sa kanila, hindi ba nagumpisa ang mga suliraning ito dahil sa magaling nilang pangulong si Ferdinand E. Marcos? Hindi ba siya ang siyang nagdeklara ng martial law at nais mamalagi sa Malakanyang at nais pang ipamana sa kanyang pamilya?

Hindi ba sila ang nagumpisa ng corruption na siya namang naging dahilan kaya maraming kababayan natin, pati mga matatalino ang natukso at nasali sa pangungurakot sa bayan.

Hindi rin ba totoo na sila ang sumira sa demokrasya sa ating bayan at nagumpisa ng milagro ng Comelec. Hindi ba ang mga Marcoses ang magaling gumamit ng mga sundalo sa pagsupil sa sambayanan, gaya ni Madam Gloria.

Malinaw ang mga bagay na ito, bagama’t tama sila na marami pa ring dapat baguhin at hindi pa tapos ang pinaglalaban ng Edsa revolution.

Masyadong malalim at tinanim na kawalanghiyaan ng diktadura na siyang naging dahilan bakit naging masyadong bulok ang sistema natin.

Pero isa ang malinaw sa Edsa revolution, pinakita natin sa bawa’t isa at sa buong mundo na kaya nating lumaban at manindigan para sa ating kalayaan. Pinakita rin natin na hindi tayo papaya sa mga pandaraya.

Iyan ang malinaw at kahil na ilang beses ulitin ang Edsa basta pagpapatalsik ng diktador at magnanakaw, sama tayo at sana tayong lahat.

******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: