PARAAN PARA MADAGDAGAN ANG TRABAHO

Sa nangyayari ngayon sa Gitnang Silangan ay lalo nating nakita ang kahirapang dinadanas ng ating mga kababayan na ang tanging nais lamang ay mabigyan ng maayos na kabuhayan ang kani kanilang pamilya.

Mga kuwento tungkol sa paano sila nakatakas sa Libya at iwasan ang palitan ng bala at bomba sa pagitan ng mga sundalo ni Moammar Ghadafi at ng mga mamamayang punung puno na sa kanyang kalupitan.

Personal na lumipad sa Gitnang Silangan si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario upang pangasiwaan ang paglikas ng libo libong mga kababayan natin.

Komo mahirap tayong bansa, kailangan nating aminin ito, wala tayong salaping magpadala ng sariling nating barko upang ilikas ang ating mga kababayan. Wala rin tayong sariling eroplano (kung hindi tayo nagkakamali, ang natitirang Hercules C – 130 plane ng Philippine Air Force ay nagiisa na lamang at mahihirapan pang bumiyahe ng ganuon kalayo). Hindi rin natin kaya umupa ng buong eroplano kaya hayan, kahit pailan ilan ay naililipad pabalik ang mga nais lumikas.

Ganuon pa man, marami rin ang nalikas natin mula sa Libya. Naghihintay na lamang ang marami sa kanila ng transportation upang makabalik sa atin.

Mga suliraning patuloy ito hindi lamang nuong nakaraang giyera sa pagitan ng Iraq at Kuwait, kaguluhan sa Cambodia nuon, patuloy na bombahan at barilan sa Libya, upakan sa Bahrain at iba pang bansang marami tayong kababayang nagtatrabaho.

Hindi magwawakas ang ganitong suliranin hanggang hindi natin mabigyan ng trabaho ang ating mga kababayan. Marami sa kanila, kahit patuloy ang putukan sa Iraq ay nagsusugal ng buhay upang makapagtrabaho ruon. Ika nga ng ilan, mabuti na ang mamatay na busog kesa mamatay sa gutom dito sa atin.

Malungkot na katotohanan pero totoong nangyari, nangyayari at mangyayari pa. Katotohanang kailangang harapin ang kasalukuyang administrasyon dahil hindi ito pinansin ng nakaraang rehimen.

Kailangan ng solusyon, mabilisang paraan upang dumami ang trabaho at pinakamabilis na paraan ay tutukan ang turismo at huwag muna nating ipagpilitan ang industrialization dahil imposible ito.

Sa ganda ng bayan natin, sa tamang paglalagay ng pondo ng bayan upang itulak ang turism makakamtan natin ito.

Tandaan natin, maganda ang bayan natin, magaling tayong mga Pinoy kaya pag tinutukan ng husto ito, sabay pa ang business development outsourcing gaya ng call centers, dadami ang trabaho at liliit ang bilang ng mga nais umalis.

Ultimo ang bansang Cambodia na ang tanging pinagmamalaki lamang ay ang Angkor Wat ay merong mga apat na milyong turista. Tayo, sa Boracay at iba pang lugar, basta walang krimen at may maayos na daan, kasama na ng airport o daungan aba pupusta ako, mahigit pa riyan.

Tandaan rin natin, sa bawa’t isang turista, payat ang gagastos ng $1000 sa ilang araw na pamamalagi sa atin. Mas malaki ito at madali gumawa ng mga magagandang mga cottages na kumpleto sa gamit sa umpisa, habang hinihintay ang nagtataasang mga hotel.

Malaki ang kalamangan natin, huwag nating kalimutan ito. Mabait, malambing, magalang ang Pinoy at marunong pang mag-English kahit na medyo baluktot para sa iba.

Turismo sagot sa paspasang trabaho.
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: