PANAWAGAN KAY P – NOY

Nananawagan ang mga empleyado ng Philippine Postal Bank kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na bigyang pansin ang kanilang hinaing dahil sa patuloy na pamamayagpag ng mga tauhan ni Madam Senyora Donya Gloria.

Ayon sa ilang mga empleyadong ng naturang opisina na nakausap natin ay patuloy ang panghuhuthot ng pera ng naturang government corporation ang mga appointees ni Madam Senyora Donya Gloria na ipinagmamalaki pa na hindi sila kayang tanggalin dahil nakita na nila ang tulay papuntang Malakanyang.

Ang mga empleyado ng Postal Bank ay natatakot na tuluyang malalaspag ang pera ng naturang banko na hanggang sa araw na ito ay pinamumunuan ni Virgilio Montera, isang dating alkalde ng Southern Leyte na siya ring kandidato ng isang party list group pero kailanman ay hindi nagbitiw sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng naturang ahensiya.

Ang mga board ng naturang bangko na bilyon din ang hawak na halaga ay pawang mga appointee rin ni Madam Gloria na ginagawang personal na alkansya ang naturang bangko.

Mr. President, palitan niyo na ng matutuwid na tao ang mga nakaupo diyan, Please Sir – panawagan ng mga empleyado.

******
Bagama’t pinagbigyan tayo ng bansang China at pansamantalang tinigil ang pagpapabitay sa tatlong kababayan nating na-involve sa droga, kailangang bigyang pansin natin ang patuloy na paggamit ng sindikato sa mga kababayan natin sa pagpupuslit ng iligal na droga sa iba’t ibang bansa.

Kailangan nating higpitan ang ating mga airport at seaport upang tiyaking wala tayong mga kababayang umaalis patungo sa ibang bansa na may dalang kontrabando.

Karamihan sa mga nahuli, alam man nila o hindi, ay galing sa atin at dala dala na ang iligal na droga. Tanong, paano nakalusot ang mga ito sa airport natin.

Sa higpit ng inspeksiyon sa airport natin, malabong makalusot ang mga ito maliban lamang kung merong kasabuwat na taga airport.

Kung dito pa lang sa atin ay mahuhuli na natin ang mga nagtatangkang magpuslit ng iligal na droga, wala tayong ihihingi ng utang na loob sa ibang bansa.

Bukod sa diplomasyang ginagawa natin upang matulungan ang mga kababayan natin, ang karamihan ay biktima, sana magkaroon rin ng masusing imbistigasyon paano nakalusot sa atin at nakalabas ang mga iligal na droga na ito.

Pakiusap rin sana natin sa mga awtoridad na kapag nahuli ang mga dayuhang recruiter ng mga Pinoy na ginagawa nilang taga dala ng kontrabando ay pakain sa kanila ang mga iligal na droga.

Sa ganuong paraan, wala na tayong paguusapang kaso at wala ring aksaya na legal na sistemang kayang kayang ayusin ng sindikato dahil sa koneksyon nila sa mga corrupt na huwes.

Kung ipapakain sa kanila ang iligal na droga, wala rin tayong problema kung paano susunugin o ididispatsa ito at higit sa lahat hindi na natin kailangan pakain ang mga miyembro ng sindikato habang nakakulong.

Tahimik nating gawin ito at kung may pumalag na mga human rights advocates, damay na natin at ipakain ang iligal na droga.

Tandaan natin, ang sinumang kumukunsinti sa kanila ay kasabwat nila. Kakaibang parusa para matigil ang iligal na gawaing ito.

******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: