PANAGINIP LANG LUMILIIT ANG MUNDO NI MADAM GLORIA

Una sinikap nila ituloy ang Charter Change, pumalag ang sambayanan, bulilyaso sila.

Pangalawa, nagisip silang magmanok ng hindi isa kung hindi dalawang kandidato bilang Pangulo kaso nabulgar ito at sadsad ang tunay at tago kandidato nila.

Pangatlo, lahat ng paraan ginawa nila para mapanatili sa puwesto ang mga bataan nila. Hindi pa rin ubra, unti unti inaalis sila at itong huli ang Ombudsperson na si Merceditas Gutierrez pinatalsik na ng Kongreso.

Panglima, nagpakamatay si dating Defense Secretary, Dating AFP Chief of Staff, Dating Environment and Natural Resources Secretary, Dating energy Secretary Angelo Reyes dahil sa tindi ng pressure na ibulgar niya ang katotohanan.

Panganim, pinakulong ng Senado itong si Gen. Ligot dahil walang ginawa kundi makalimot. Buti nga hindi dinamay ang kanyang maybahay na panay rin ang pagkakaroon ng amnesia.

Pangpito, anumang harang gawin nila, pauwi na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na siyang tunay na kalaban nila at nagumpisa ng pagbubulgar kay Madam Senyora Donya Gloria at kay Jose Pidal.

Unti unti, lumiliit ang mundo nila. Bilang na bilang na.

Karma sa ating mga Tagalog, gaba sa mga Bisaya.

Walang lihim na hindi nabubulgar, walang krimeng hindi pinagbabayaran, ang kabutihan ay lagi mananaig sa kasamaan. Alam ito ng mga kampon ng kasamaan na namapaygpag ng matagal na matagal na panahon.

Ngayon nakakatulog kaya sila ng mahimbing. Nakakalakad kaya sila sa kalye ng hindi lingon ng lingon dahil sa dami ng galit sa akin?

Paliit ng paliit ang mundo nila at tiyak pati pagtulog nila, bangungot ang inaabot nila. Ganyan ang dinadanas nila pero magmanman tayo, kailangang pagbayaran nila ang krimen nila.

Huwag tayong pabaya dahil parang ipis na muling magtatangkang mamayagpag ang mga iyan.

******
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com

******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: