ONCE CORRUPT, LAGI NG CORRUPT

Miyerkules ng gabi ay nasalubong natin sa selebrasyon ng Chinese New Year ang isang kaibigan na matagal na nating hindi nakikita.

Pagkatapos ng kapirasong batian ng Kung Hei Fat Choi ay wala siyang pagaatubiling nagbigay ng komento na hindi siya naniniwalang tatagal ang kasalukuyang administrasyon na kinagulat natin dahil hindi naman tayo nagtatanong o nagiisip man lang tungkol sa pulitika.

Hindi natin siya pinansin sa pagasang mananahimik siya dahil hindi ito ang okasyon upang magtalo tungkol sa pulitika pero ayaw tumigil ng taong ito.

Tuluy tuloy siya sa pagbaybay ng mga kapalpakan daw ng administrasyong ito at dahilan bakit hindi dapat tumagal sa Malakanyang si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III gaya ng carnapping, palpak na pagresolba sa hostage situation sa Rizal Park nuong nakaraang taon at ultimo ang pagbubulgar ng mga pagnanakaw ng mga heneral at mga anomalya ng tauhan ni Madam Senyora Donya Kongresista Gloria sa National Food Authority (NFA) nuong iligal silang nakatira sa Malakanyang.

Hindi tayo sangayon sa pinagsasabi niya kaya hindi tayo nakatiis ng sumagot na “ano ba ang problema kung imbigstigahan ang mga anomalya, hindi ba dapat pagbayarin ang mga may kasalanan sa bayan?”

Ang sagot niya: “iyan ang problema, puro paghihiganti ang ginagawa (ng kasalukuyang administrasyon), bakit hindi na lang ayusin ang mga problemang kinakaharap at huwag na maghalukay ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkahati hati muli ng bayan.”

“Pero paano aayusin kung hindi babaguhin ang sistema,” tanong natin sa taong ito.

“Move on na lang, hindi maganda ang maging bengatibo,” sagot niya.

Aaminin kong ngitngit tayo sa galit at nais ko sanang sagutin pa ang malinaw na hindi matuwid na pangangatuwiran at paniniwala pero nagumpisa na ang selebrasyon at nahatak tayo palayo ng ibang mga kaibigan natin.

Lubos tayong nagtaka sa inasal niya at kakalimutan na lang sana ang lahat pero may bumulong sa ating kaibigan na narinig ang argumento niya.

“Huwag mo siya patulan pare, masakit lang talaga sa kanya ang mga nawala sa kanya ngayong iba na ang administrasyon, nawalan ng kita dahil naghigpit ng husto si GM Honrado sa NAIA,” bulong ng isang kaibigan natin.

“Inalis rin ang mga corrupt na opisyal ng Immigration na dating nagpapalusot ng mga dayuhang nais pumasok rito sa atin upang magtago at manirahan ng iligal,” dagdag niyang paalala.

Naintindihan natin bakit ganuon na lang kasakit sa kanya. Kung dati rati ay hindi niya pinagpapawisan ang kinikita niya at pinakakain niya sa pamilya niya, ngayon ay todo kayod siya at paano niya mababago ang pamumuhay ng pamilya niya na sinanay niya sa layaw.

Mula sa isang maayos na mamamayan ay nasarapan sa kitang hindi pinagpapawisan ang taong ito kaya hayan, kailangang isugal ang pagkatao at nagpakatuta sa mga corrupt.

Nakakalungkot pero ano ang magagawa natin kung hindi pumalakpak dahil kahit kokonting panahon pa lang, nakikita natin ang pagbabagong minimithi natin.

Matagal ng api ang bayan natin, pagtulungan sana nating makatayo at huwag tularan ang mga corrupt na kahit anong gawin at hindi na mababago dahil nuknukan na ang kasamaan.

******
Para sa anumang reaksyon text sa 09273893248

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: