NAKASALALAY SA TAONG BAYAN KINABUKASAN NI OMBUDSMAN GUTIERREZ

Pinakamainit na isyu nitong nakaraang ilang araw ay ang nais ng karamihan sa mga kongresista na patalsikin si Ombudsman Merceditas Gutierrez. Sa dinami dami ng mga kongresista, 212 ang bumoto para ihain ang impeachment case laban sa kanya sa senado.

Ang bilang na ito, mahigit sa inaasahan natin at marami pang sumama ritong mga kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria. Mga dating miyembro ng Partido Lakas Kampi.

Bagama’t marami ang balitang namilipit raw ng kamay at Malakanyang upang makuha ang bilang na ito, mahigit 40 pa rin, kasama na si Madam Gloria, mga anak niya at bayaw niya ang hindi pumirma.

Hindi Malakanyang ang namuwersa, taong bayan ang nag pressure ika nga sa Wikang English at naramdaman ito ng mga magagaling nating mga kongresista.

Iyong mahigit 40, kasama ni Madam Gloria, ay hindi ubrang bumaligtad o yariin ang Ombudswoman dahil magigising ito sa katotohanan na nilalaglag na siya ng dating kakampi niya sa dating administrasyon.

Kung magkakagayon, baka bigla itong bumaligtad at magkakakanta ng mga long playing na siyang ikatutumba naman at pagkakakulong ni Madam Gloria at mga kasabwat niya.

Alam ito nila Madam Gloria kaya gagawin pa rin nila lahat upang mapigilan ang domino na babagsak kung matatanggal si Gutierrez. Huwag rin nating kalimutan si dating Defense Secretary at AFP Chief of Staff Angelo Reyes na nagpatiwakal.

Kung napuwersa kasing magsalita ito, umpisa sana ito ng mahabang mga awitin na lahat aabot kay Madam Gloria o di kaya’y pamilya nito.

Sa pagbubukas ng Senado, recess ho kasing pareho ang kongreso at senado, asahan nating uumpisahan ang paglilitis kay Ginang Gutierrez.

Asahan nating medyo lalamig ang isyu dahil sa ilang buwang bakasyon. Marami rin sa mga miyembro ng Senado ang asahan nating gagapangin ng mga kakampi pa ni Ginang Merceditas.

Pero gaya ng nangyari sa kongreso, public pressure ang tanging paraan upang mapilitan silang bumoto ng tama. Ang pagmamanman ng sambayanan na alam nilang magiging basehan ng kanilang kinabukasan ang naging dahilan bakit nila tinalikuran ang dati nilang kaalyado.

Alam nilang lahat na malapit na naman ang susunod na halalan.

Ganuondin ang dapat nating gawin sa mga Senador. Tutukan natin silang lahat lalo na ang mga nais tumakbo muli sa 2013. Duon naman sa magtatapos ang termino, marami sa kanila ay galing sa mga political clan kaya tiyak may anak o di kaya’y asawa na tatakbo at nais na palitan sila sa senado.

Mga kababayan, importante hong ipakita natin sa mga kagalang galang nating mga senador na mapanuri ang sambayanan at hindi kakalimutan ang kanilang pagboto sa isyung ito at iba pa.

Magbantay tayo, paalam natin sa kanila na ang obligasyon nila sa bayan hindi sa kaalyado nila at sarili nila.

******
Anytime asahan nating babalik si Sen. Panfilo “Ping” Lacson. Abangan niyo ho ang mga kuwentong ibabahagi natin sa kanyang pagbabalik.

Of course, pagbigyan sana natin siyang makapiling muna ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang maybahay na si Alice. Matagal siyang nawala, mahigit isang taon pero naniniwala tayo na hindi siya magbabago sa paglaban sa katiwalian.

Mabuhay kay ka Sen. Ping.
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: