MGA ARAL PARA HINDI MASUNDAN TATLONG BINITAY SA CHINA

Nakakalungkot at tatlo sa kababayan natin ang tuluyang pinarusahan ng kamatayan ng bansang China at marami pa ang nasa kulungan nila at sa ibang panig ng mundo dahil sa pagdadala ng iligal na droga.

Hindi natin huhusgahan kung alam ba nila o hindi. Wala tayong direktang kaalaman dito bagama’t matigas ang paninindigan natin na sinumang mahuli sa pagpupuslit ng iligal na droga o pag gawa nito ay dapat patayin.

Marami ang nagsasabing biktima lamang ang tatlo at hindi nila alam na may dala silang iligal na droga.

Dapat itong imbistigahan hindi komo patay na ang tatlo. Kailangang malaman natin ang katotohanan kahit na makipagtulungan tayo sa gobyerno ng China at iba pang mga bansa upang masawata at maparusahan ang mga mastermind ng mga ganuong kawalanghiyaan.

Kailangang mahuli ang mga nag-recruit sa tatlo hindi lamang dito sa ating bansa kung hindi pati ang mga dayuhang gumamit sa tatlo.

International ang sindikatong mga ganuon kaya kailangan rin ng tulong ng iba’t ibang bansa.

Importante ring tingnan mabuti ang mga pambansang paliparan natin upang matiyak na hindi nakakalusot (kahit papalabas) ang mga iligal na droga na siyang dala ng ating mga kababayan na sa huling bilang ay umaabot na sa mahigit 7,000 na nakakulong sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa drug trafficking.

Ibalik rin sana ang death penalty para sa mga involve sa iligal na droga, lalo na ang mga gumagawa nito, kahit ano pa ang nasyonalidad nila. Preparasyon kasi ito upang ang mga nag-recruit sa tatlo kapag nahuli ay bitayin rin natin.

Kailangan rin kasing ibalik ang parusang kamatayan upang magsilbing panakot sa mga nais magpasok ng iligal na droga rito sa atin.

Ang ginawa ng bansang China ay isang malinaw na senyales na pinakikita nila sa buong mundo na marahas ang batas nila lalo na kung iligal na droga ang paguusapan.

Ganuon din sana sa atin. Tandaan nating maraming mga shabu laboratory ang nahuhuli rito sa atin pero ang mga mastermind, kasama na ang mga chemist na siyang gumagawa nito ay nahahatulan lamang ng matagal na panahong pagkakabilanggo.

Subukan niyong katayin ang isa riyan at pag hindi matakot ang mga iyang gawin dito sa atin.

Tingnan niyo ang bansang Singapore at Malaysia kung saan patutupad nila ang batas nila kahit na makiusap ang Santo Papa, Pangulo ng Estados Unidos o Reyna ng United Kingdom.

Ang iligal na droga ay salot sa lahat at suliranin ng buong mundo, kailangan nating sugpuin at pinakamaganda ay umpisahan natin bago sirain ang mga kabataan natin.
******
Sa mga kababayan natin, kahit ho sino ang makidala sa inyo ng gamit, basta hindi niyo makita ano ito ay huwag kayong papayag lalo na kung aalukin pa kayo ng bayad.

Maigi pa nga, tumanggi na lang kayo kahit kita niyo laman nito. Tandaan natin, pag sumabit kayo sa ibang bansa, kahit na ano ang gawing pakiusap ng gobyerno natin, wala magagawa kung hindi ipatupad ang batas nila.

******
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: