MAS MAINAM KUNG PATAYIN

May nahuling mga African at Thai ang mga operatiba ng ating Philippine Drug Enforcement Authority dito sa atin nuong Lunes. Kasunod ito ng pagkakahuli ng iba pang mga miyembro ng mga sindikatong siyang gumagamit ng mga Filipina, Indonesian, Malaysian at iba pang mga Asian sa pagpupuslit ng droga.

Inamin ng opisyal ng PDEA na kung hindi lamang labag na batas ay yayariin na nila ang mga demonyong mga ito. Saludo kami sa inyo sa pagkakahuli niyo sa mga hangal ang kaluluwang mga iyan na naging dahilan ng pagkakakulong ng malaking bilang ng mga kababayan natin sa ibang bansa dahil sa pagtangkang pagpuslit ng droga.

Pero mas saludo sana kami sa inyo kung bigla na lang manlaban ang mga iyan o di kaya’y mang-agaw ng mga baril ninyo kaya napilitan kayong paputukan sila sa utak para matigil na ang kanilang mga kawalanghiyaan.

Maaaring naniniwala tayo sa batas pero ang mga walanghiyang mga iyan na sinasamahan pa ng ilan nating mga kababayan na siyang umeenganyo sa mga naghihikahos nating kababayan na magsilbing taga puslit ng droga ay walang kaluluwa at karapat dapat lamang na kitilan na ng buhay.

Magalit na sa akin ang mga naniniwala sa human rights ng mga criminal pero handa akong tumayo pang testigo na nanlaban ang mga walanghiyang mga iyan.

Walang karapatan ang mga iyan na walang ginawa kung hindi pagsamantalahan ang mga nakakaawang mga Filipina, Indonesian o ibang mga Asyano na tanging nais lamang ay umunlad ng konti ang buhay nila.

Sa mga taga PDEA, please, tapusin niyo na ang maliligayang araw ng mga iyan. Sa dami ng pera ng sindikato at lawak ng kanilang galamay, hindi malayong makalusot pa ang mga iyan.

******
Balik ang usapan tungkol sa pagbabago ng Saligang Batas natin. May ilang mga kongresista na dating mga kaalyado ni Madam Senyora Donya Kongresista Gloria ang siyang nagpapasingaw ng usapang ito.

Malinaw na humihirit na naman ang kampon ng kadiliman pagkatapos nilang makita na hindi talaga uubra ang kanilang mga bulok na style sa administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Paano ba naman, pati pork barrel nila na dati ay akala mong wallet ng mga magagaling na opisyal na ito ay talagang hinihimay ng mga tauhan ni P Noy para matiyak na hindi ito magagamit sa tongpats.

Dahil diyan, isip na naman sila ng sistema kung paano nila ibabalik ang kanilang maliligayang araw. Alam nilang imposibleng idaan ito sa eleksyon dahil malayo pa ito at pagdating ng taong 2013, ang mga taong kilalang galamay ni Madam Gloria na kasali sa mga kitaan ay malabo pa ring manalo.

Ang eleksyon naman para sa pagkaPangulo ay 2016 pa at paniwalaan niyo ako, malabong makabalik ang sinumang manok ni Madam Gloria. Bagama’t marami silang kuwarta, sa pagkakataong ito ay tiyak nating hindi ganuon kadaling makalimot ang mga Pinoy.

Dahil diyan, hirit sila muli at nangangarap na mabago ang Saligang Batas at baka maibalik nila ang Donya Senyorita.

Sa mga nangangarap na iyan, dream on, hindi papayag ang Pinoy at hindi niyo na magogoyo. Ngayon pang nakikita namin ang kaigihan ng walang corruption – pwe!!!
******
Para sa anumang reaksyon text sa 09273893248

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: