LIBINGAN NG MGA BAYANI?

Ang mga overseas Filipino workers na napipilitang mangibang bansa upang may maipadala sa pamilya at mabigyan ng magandang buhay ang mga anak, kapatid at magulang ay lagi nating tinatawag na Bayani.

Ang mga magsasaka na nakabilad sa ilalim ng araw kahit na maliit ang kikitain at inaabuso pa ng mga middle men ay Bayani rin dahil sa sakripisyo nila.

Ang mga manggagawa na kahit maliit ang suweldo at hikahos ang buhay ay
Bayani rin dahil sakripisyo rin ang ginagawa.

Ganuon din ang mga mabababang empleyado ng gobyerno na napaglalabanan ang tukso pero hindi nakikialam sa kaban ng bayan – Bayani rin sila.

Mga pulis at sundalong nanganganib ang buhay araw araw kahit na maliit at suweldo at binibigyan ng mga baril na palpak at mga Bayani rin.

Ilan lamang iyan sa mga sector na maituturing nating mga bayani na mas karapatdapat ilibing sa Libingan ng mga Bayani pero hindi maaari dahil hindi sila nagpatiwakal at nanilbihan bilang miyembro ng gabinete ng isang squatter sa Malakanyang.

Sila ang tunay na karapat dapat sa naturang libingan, hindi mga corrupt na kahit ba naging sundalo ay nangurakot at nagpahirap sa sambayanan.

Kaya tanong? Tunay nga ba itong Libingan ng mga Bayani?

******
Talagang dapat ituloy ang imbistigasyon sa pabaon sa AFP at kailangang isali rin ang PNP.

Malinaw naman kasi na bukod sa mga tongpats na nakakarating hanggang sa taas sa PNP ay meron ring malaking pondong pinaglalaruan dito ng mga heneral na akala mo ay pribado nila itong alkansya.

Si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na maituturing na isa sa pinakamagaling na PNP chief ay binulgar ito at sinabi pang nuong panahon niya ay P40 milyon pesos ito para sa hepe lamang.

Of course, alam nating nuong panahon niya ang naturang pondo ay hindi niya pinakinabangan ng personal dahil binaba niya ito at pinagamit sa buong PNP kaya natigil ang mga pangongotong at iba pang krimen.

Ang iba pang malalaking pondong hawak ng PNP chief gaya ng intelligence fund ay binaba niya rin para maayos na magamit na siyang naging dahilan ng pagsupil ng iba’t ibang sindikato.

Ito ang naging dahilan bakit matindi ang galit sa kanya ng criminal elements, kasama ng mga kasabwat ng mga corrupt na pulitiko na nawalan ng kita.

Tandaan nating ultimo pork barrel niya bilang senador ay tinanggihan niya.

Kung kaya ito ni Sen. Lacson nuong PNP chief siya, bakit ito hindi sundan ng iba pang mga naging hepe ng PNP. Alam natin nangyayari ito at walang dahilan bakit hindi matigil hanggang ngayon maliban lamang sa tumataba ang bulsa ng mga “bayani” nating mga heneral.

Kahit ba nagwawala ang ilang mga heneral o mga PMA’ers, dapat ituloy ang imbistigasyon at palawigin pa.

Ang sinumang tututol dito ay tahasan nating sasabihing nakikinabang o di kaya’y nais makinabang.

Panahon ito para patunayan ng mga magigiting na opisyal at bayani sila. Para sa bayan kailangan itong gawin kahit na sino ang maapakan.

******
Para sa anumang reaksyon text sa 09273893248

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: