KARMA SA MGA HAPON?

Kasama ng ilang kaibigan, napagusapan naming ang nangyayari ngayon sa Japan. Mga pangyayaring dulot ng mga natural na kalamidad na siya namang lulumpo talaga sa kanila.

Pababa na nga ang ekonomiya nila tapos heto pang tatamaan ng lindol na hindi pala 8.9 kung hindi 9 at tsunami na siyang nanalanta ng malaking halaga ng mga ari arian at kumitil ng libo libong mamamayan nila.

Hindi pa natapos diyan, dahil sa lindol, tinamaan ang kanilang nuclear reactor na siyang nagbibigay sa kanila ng malaking porsyento ng kanilang enerhiya.

Kung nuong araw ay dalawang bomba atomika ang hinulog sa kanila ng mga Amerikano, ngayon nuclear fall out naman ang malamang na lulugmok sa kanila lalo.

Matindi pa nito, alam naman nating lahat na anumang lugar ang tamaan ng isang nuclear fall out ay matagal na panahong hindi pakikinabangan puwera pa ang bilang ng mga tao at hayop na mamamatay o di kaya’y magdurusa ng habambuhay.

Minamalas talaga sila lalo na pagdating sa isyu ng atomika o nuclear. Japan lamang ang tanging bansang nakatikim ng atomic bomb, dalawa nuong panahon ng ikalawang digmaan, at sa matagal na panahon ay tamaan ng nuclear meltdown.

Mabilis na kakalat ang ganuong nuclear meltdown at mahirap pigilan ito kahit na tumutulong na ang iba’t ibang bansa, pati na ang dambuhalang United States at China, dalawang bansang may bomba nuclear at gumagamit ng maraming nuclear plant para sa enerhiya nila.

Hindi tuloy mapigilang tanungin ng ilan sa ating mga kababayan, pati ilan sa ating mga kaibigan bakit kaya ganuon na lang ang inaabot nilang kalamidad. Parusa ba ito sa kanila dahil sa kalupitan nila nuong ikalawang digmaan.

Hanggang sa panahong ito, hindi sila napapatawad ng maraming bansang sinakop nila. Andyan ang mga comform women, mga babaeng maaayos na pinilit nilang maging parausan ng kanilang mga kawal nuong digmaan.

Andyan ang mga kuwento ng batang iniitsa nila at sasaluin ng bayoneta. Meron ring mga kuwento ng mga pamilya inulila sa ama o di kaya’y lahat ng kalalakihan ay kanilang piñata dahil sa galit nila sa mga guerilla.

Ang lolo ko po pinaslang ng hapon at naiwang ulila sa ama ang aking ina at mga kapatid. Hanggang sa sumakabilang buhay ang aking lola ay patuloy niya itong kinukwento sa amin.

Sa parte naman ng aking ama, matindi rin ang galit nila sa pagmamalupit ng mga sundalong Hapong kumitil sa buhay ng kanilang mga kaanak.

Ang namayapa ko ng biyenang lalaki ay beterano ng death March sa Bataan at nuong buhay pa ay naikuwento rin ang mga pagmamalabis ng mga hapong nanakop sa atin.

Kuwento lamang ito sa atin, wala pa ang ginawa nila sa ibang bansa kagaya ng Rape of Nanjing, China kung saan nagkulay dugo ang ilog.

Kalupitang sinasabi ng maraming matatanda na pinagbabayaran nila.

Sa akin, anuman ang karahasan nila nuon, isa ang tiyak at iyan ay hindi naman kasalanan ng mga mamamayang hapon ngayon. Sa lahat ng bansa, may mabuti at masama.

Sama sana natin sa panalangin natin ang mga Hapon at tandaan natin, lumiliit ang mundo dahil sa teknolohiya at anumang mangyari sa bawa’t bansa ay may epekto sa buong mundo.

******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: