GULO SA MIDDLE EAST NAKAKAAPEKTO SA ATING LAHAT

Ang mga gulung nangyayari sa Gitnang Silangan at Northern Africa ay matindi ang dinudulot na suliranin sa ating lahat at asahan nating patuloy na tataas ang presyo ng langis dahil dito.

Kung tumaas ang presyo ng langis, asahan nating tataas ang presyo ng gasoline, pamasahe at mga pangunahing bilihin.

Matindi kasi ang pangangailangan ng langis sa panahong ito at hangga’t hindi makakakita ng matinding alternatibo ay hindi huhupa ang pagkakauhaw ng buong mundo sa langis na malaking porsyento ay nanggagaling sa mga bansang nagkakagulo ngayon.

Dahil naman sa kaguluhang iyan, liliit ang produksiyon, tataas ang presyo at mga katulad nating bansa na hirap ang siyang matindi ang pagdurusa.

Ang mga bansang mauunlad gaya ng Estados Unidos, China at mga bansa sa Europa ay may sariling mga oil field na tinitipid nila ang paggamit. Marami na rin silang alternatibong power source gaya ng nuclear, hydro, solar at iba pa.

Ang Pilipinas ay isa sa bansang grabe ang allergy sa nuclear power. Okay sana ang kaba natin sa nuclear power kung mga dalawampung taon na ang nakaraan pero sa kasalukuyan sa tindi ng teknolohiya, wala ng aksidente dito at malaking tipid sana ito sa ating bansa.

Ang solar naman ay perfect sa atin pero walang namumuhunan ng husto upang palaganapin ito. Ganuon din ang hydro power at geothermal plant.

Nuon pa man, nananawagan na tayo sa ating pamahalaan at sa private sector na magdagdag ng pananaliksik at proyekto para sa alternatibong enerhiya.

Mga panawagan na sinusunod natin sa ganuong panahon pero nakakalimutan pag pumapasok ang ibang isyu.

Hanggang hindi magkaroon ng konkretong pagkilos para humanap ng alternatibong enerhiya, ang matinding pagkakahawak sa atin ng mga kumpanya ng langis ay lalala at wala tayong magagawa.

Sana sa pagkakataong ito, mauntog tayo ng malakas lakas at kumilos tayo.

******
Magbibitiw daw bilang kongresista itong si Rep. Ronald Singson na kamakailan lamang ay hinatulan ng korte sa Hongkong ng 18 buwan ng pagkakabilanggo dahil sa pagpupuslit ng iligal na droga.

Pinaabot ito sa kongreso ng kanyang amang si Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Tamang paraan ito ng mga Singson upang pakitang may pagsisisi sila sa nangyari pero sana magkaroon ng parusa rito sa atin upang magsilbing aral sa iba pang mga opisyal ng bayan.

Pinakita ng mga opisyal ng Hongkong na kahit sino ka basta lumabag ka sa batas nila tapos ka.

Sana ganuon din sa atin at umpisahan ito sa mga opisyal ng gobyerno, mga halal at appointed.

Paniwalaan niyo ako, marami sa magagaling nating mga halal na opisyal ay sumosobra ang pagpapaligaya at gaya ni Rep. Singson ay gumagamit rin ng iligal na droga.

Kahit kailanman nga naman hindi sila sinisita at lantaran pa silang gumagamit nito sa mga exclusive na lugar kung saan sila sila ang nagpapasasa sa iligal na droga na binili nila gamit ang perang ninakaw nila sa kaban ng bayan.

Alam ng mga taga Philippine Drug Enforcement Agency (Pdea) ito pero tanong lang natin, kaya ba nilang hulihin ang ma ito?

******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: