GRADUATION HUWAG GAMITIN SA PULITIKA

Tama ang panawagan ng Department of Education (DepEd) sa mga pulitiko na huwag gawing kasangkapan ang mga graduation exercises na gaganapin sa iba’t ibang paaralan itong buwan ng Marso.

Bagama’t hindi mapipigilan ang mga pag-imbita sa sarili ng mga pulitiko para magsilbing guest speaker sa mga commencement exercise ay sana naman pigilan nilang gawing political rally ang mga selebrasyong ito at magsilbi silang inspirasyon sa mga kabataang magtatapos.

Sana rin ang mga paaralan sa pamamagitan ng mga Parent’s Teacher’s Association (PTA) ay iwasan ang pagimbinta ng mga pulitiko maliban na lamang kung ang mga guest speaker ay mga alumni ng naturang paaralan at maipapakita na sila ay magsisilbing magandang halimbawa sa mga estudyanteng magtatapos.

Asahan nating hindi naman dadalo ang mga pulitiko sa mga magtatapos na elementary pero magsisiksikan ang mga iyan sa mga high school. Karamihan kasi sa mga magtatapos na mga high school students ay botante na sa 2013 kung saan halalan na naman para sa 12 senador, gobernador, bise gobernador, kongresista, sanguniang panglungsod, alkalde, bise alkalde, konsehal at ultimo party list.

Tanging Pangulo at Pangalawang Pangulo ang hindi kailangang paglabanan sa 2013. Of course ang barangay election ay hindi rin kasabay.

Sa panawagan ng DepEd, sana tablan ang mga pulitiko at ang mga hindi makatiis ay mahiya naman ng konti at kung hindi makatiis na makita sa entablado ay iwasan ang mga mahahabang pananalitang puro pamumulitika.

Kasama sa huwag sana ninyong sabihin, mga honorable, ay ang pagsasabi na itong paaralang ito ay kayo ang nagpagawa, itong library ay galing sa pork barrel niyo, itong kalye ay kayo ang lumakad para masementuhan, itong mga aklat ay galing sa countrywide development fund ninyo at iba pang mga hirit na puro pambobola.

Alalahanin sana ng mga pulitikong ito na kung totoo man mang naipagawa sila, pera ng bayan ang ginamit nila at hindi perang galing sa bulsa nila. Tandaan rin sana nila na trabaho nila ang pagsikaping pagsilbihan ang sambayanan, lalo na ang pagsasaayos ng mga paaralan dahil isa sa pinakaimportanteng bagay para umunlad ay edukasyon na siyang haligi ng bayan.

Pero kung maaari, iwasan muna sana ang mga pulitiko gawing commencement speaker sa mga graduation exercises at magimbinta ng magagaling na alumni ng naturang paaralan na siyang tunay na magandang huwaran.

Kung maaari, mamili tayo ng mga nagtagumpay sa pamamagitan ng kasipagan at pagtitiyaga. Tiyakin lamang nating magsisilbi silang magandang ehemplo.

Tandaan, kabataan ang kinabukasan ng bayan – huwag nating silang sirain.

******
Tumaas na naman ang presyo ng produktong petrolyo. Hindi maiibsan ito hanggang hindi natitigil ang kaguluhan sa Libya at ilan pang bansa sa Gitang Silangan.

Hindi naman natin masisisi ang mga mamamayan ng mga naturang bansa dahil sobra ang pagmamalupit ng kanilang mga pinuno na ginawang personal na bangko ang kaban ng kanilang bayan.

Kailangan lang talaga nating pagibayuhin ang pagtuklas at paggamit ng alternatibong source of energy.

Asahan nating patuloy ang pagtataas ng presyo ng gasoline at tandaan natin pagtumaas ang petrolyo lahat susunod.

Magsilbi sana itong wake up call sa ating lahat. Alternative energy source buhusan dapat ng pansin.
******

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: