GMA, REYES IBA PANG AFP CHIEF OF STAFF DAPAT MAKULONG

Nuon pa man alam na ng buong bayan ang pangungunsinti ni Madam Senyora Donya Gloria sa mga matataas na opisyal ng military kapalit ng kanilang “pagsisilbi” sa kanya at hindi pagsama sa panawagan ng marami na labanan nila ang katiwaliang nangyayari sa kanyang administrasyon.

Tuwing may mga lantarang nananawagan sa mga heneral, lalo na ang mga Chief of Staff ay laging sagot nila na kanilang dapat pangalagaan ang chain of command at Saligang Batas ng ating Republika.

Alam ng marami, kasama na ng inyong lingkod na busog na busog sila sa administrasyon ni Madam Gloria na tanging paraan upang manatili sa puwesto at hindi mapatalsik sa pamamagitan ng “withdrawal of support ng AFP” pero hindi natin akalaing ganuon kalaki samantalang ang ating mga kawawang mga sundalo ay nanganganib ang buhay gamit ang mga palpak na mga baril, mala plastic na mga helmet at mga boots na singkapal ng tsinelas.

Ngayong binulgar na ito ni Col. George Rabusa na personal na nag-abot ng malaking halagang pera kay dating AFP Chief of Staff, Defense Secretary, DILG Secretary, Environment and Natural Resources Secretary at Energy Secretary Angelo Reyes wala tayong makitang dahilan bakit hindi parusahan agad ang hindi lang pala magaling na kumantang paboritong opisyal na siyang nagluklok sa puwesto kay Madam Senyora Donya Gloria.

Kalokohan ang pinalalabas ng ilang mga tagapagtanggol ni Madam Gloria at ni Reyes na pulitika ang rason bakit biglang natutong magsalita itong si Rabusa.

Common knowledge, sa wikang English, ang pagtakipan ni Madam Gloria at ng mga kakampi niyang mga corrupt na heneral at kailangang ipakita na sa pagkakataong ito ay pagbabayaran nila ang kanilang pangwawalanghiya sa bansa ng mahabang panahon na naging dahilan ng pagdurusa hindi lamang ng mga ordinaryong mga kawal na minsan ay walang matinong baril sa pakikipaglaban sa rebelled kung hindi ang mamamayang naghihirap dahil sa corruption.

Hindi kailangang mag-atubili ang Department of Justice, Ombudsman at iba pang mga sangay ng gobyerno na apurahin ang imbistigasyon at ipasok sa kulungan si Madam Gloria, Reyes at iba pang mga Chief of Staff nuong kapanahunan niya.

Kung hindi nila gagawin ito, nakakatakot ang maaaring gawin ng mga sundalong hanggang sa panahong ito ay nabubuhay ang pamilya sa hirap. Ilan sa nakausap natin ay lantarang sinabi na dapat makulong ang mga corrupt na iyan kung hindi ay baka sila ang magbigay ng parusa upang kahit paano ay maibsan ang kahirapang inaabot ng kani kanilang pamilya.

Mas mabuting ikulong muna sila at baka tumakas ang mga ito o di kaya’y yariin ng mga nagngingitngit na mga sundalo.
******
Kung ganuon ang corruption sa military, hindi malayong ganuon din sa Philippine National Police. Kahit wala pang nagbubulgar, dapat imbistigahan ang mga nakaraang PNP ni Madam Gloria na pawang naging bulag at pipi rin sa hinaing ng sambayanan.

Magandang panahon ang paglilinis ngayon dahil malinaw namang hindi corrupt si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Huwag sanang aksayahin ang pagkakataon.

******
Para sa anumang reaksyon text sa 09273893248

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: