DURUGISTANG MGA OPISYAL

Tama ang panawagan ng ilang sector na kailangang sumailalim sa drug test ang mga miyembro ng kongreso. Hindi komo miyembro ng kongreso ay hindi na gagamit ng iligal na droga. Sa column na ito ay paaalala ko ang kuwento ko nuon pa tungkol sa ilang dating kongresista na pawang mga hayok sa iligal na droga gaya ng heroin, cocaine, ecstacy at iba pang bawal na gamot.

Nabuhay ang isyung ito nuong Hulyo ng nakaraang taon at nahuli sa Hongkong si Ilocos Sur Congressman Ronald Singson na may dala dalang 26 na gramo ng cocaine. Ang batang Singson ay anak ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Kung nuong una ay marami ang hindi nagcocommento dahil hindi matiyak kung may kasalanan siya o hindi, ngayon ay siya na mismo ang umamin na ang dalang droga ay hindi niya ipagbibili kung hindi personal na gamit.

Ipagbibili man o personal na gamit, ang iligal na droga ay bawal at higit na napapabigat ang kasalanan niyang ito dahil isa siyang mataas na opisyal ng bansa. Laking kahihiyaan ang binigay niya hindi lamang sa kanyang pamilya, kamag-anak at kababayan kung hindi sa buong bansa.

Isa pa nga sa pinagtatalunan ay kailangan bang tanggalin sa puwesto si Singson. Para sa akin, komo umamin na siya, pinakamagandang gawin niya ay magbitiw sa puwesto para magsilbing ehemplo sa iba pa na masama at mali ang gumamit ng iligal na droga lalo na at isa kang opisyal ng bayan.

Anyway, bago tayo lumayo ng husto ay paaalala ko lang sa inyo ang column natin matagal na panahon na ang nakaraan at sa dyaryong Ang Pilipin STAR Ngayon.

Ang mga kongresistang mga ito, inuulit ko mga, ibig sabihin marami sila, ay pawang malalapit sa nakaraang naninirahan sa Malakanyang. Nagumpisa silang gumamit ng iligal na droga gaya ng ecstacy dahil sa walang humpay na pakikipag-enjoy nila sa mga girlfriend nila. Mga girlfriend ho na dinadala nila sa isang sikat na hotel dito sa Metro Manila. Okupado nila ang buong floor ng naturang hotel na ginawa nilang private club.

Mga sikat na opisyal lamang ang pinapayagang pumasok rito. Bukod sa mga opisyal, kasama rin ang mga malalaking negosyanteng may kailangan sa kanila, lalo na ang mga kontratista.

Naisip nila ang magset up ng ganuong lugar para tahimik ang kanilang paggawa ng milagro.

Siyanga pala, ang naturang lugar din ang ginamit sa pamimigay ng pera sa ilang corrupt na miyembro ng simbahang Katoliko. Naisip siguro nila na immoral naman ang ginagawa ng mga corrupt ng Obispo kaya bakit hindi pa sa lugar na pinamumugaran ng immoralidad at corruption.

Sa kabubulgar natin sa naturang lugar, nilapit nila sa penthouse ng isang building mga limang minute mula sa unang lugar.

Alam ng maraming opisyal ang bisyo ng mga ito pero okay lang ba komo opisyal sila? Dapat lahat ng opisyal mag pa drug test at ang gagawa ay hindi gobyerno kung hindi pribadong sector upang matiyak na lahat ng durugista sa gobyerno ay mabuking at masibak.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: