DERETSONG SAGOT SA SIMPLENG TANONG

Bayani ba si dating Armed Forces Chief of Staff, Defense Secretary, National Security Adviser, Interior and Local Government Secretary, Environment and Natural Resources Secretary at Energy Secretary Angelo Reyes?

Hindi, malaking hindi at wala tayong makitang dahilan bakit pinayagan siyang ilibing sa Libingan ng mga Bayani. Kung ang basehan ng pagiging isang bayani ay ang magsilbi bilang kawal at sa gobyerno ng mahabang panahon, mas maraming higit na karapat dapat duon pati lalo na ang mga kawal na napapatay dahil sa kakulangan ng armas.

Ang pagpapatiwakal niya ang maaari sanang isang ganap na kabayanihan kung sa ginawa niya ay nais niya mailabas ang katotohanan at mabago ang bulok na sistema ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Hindi ito ang nangyayari, ang ginawa ni Reyes ay isang malaking aksaya dahil sinama niya lang sa hukay ang kanyang mga nalalaman. Kahit sa huling sandali ay hindi niya sinikap baguhin ang bulok na sistema. Inamin nga niya na ayaw niyang manlaglag ng kasama.

Tanong ng iba, sino ba ang kasama na binabanggit niya? Hindi ba ito si Madam Senyora Donya Gloria na sa siyam na taong iligal na paninirahan sa Malakanyang ay pinayagan ng mga corrupt na heneral gaya ni Reyes na manatili sa puwesto kahit na alam nilang iligal ang kanilang pinaggagawa.

Ang ang dahilan bakit sila nagbulagbulagan sa mga katiwalian ni Madam Gloria, ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo at mga tuta at bataan nito? Simple, mga tongpats na katakot takot sa anyo ng mga pasalubong at pabaon ng mga heneral na pilit pang pinagtatakpan sa pamamagitan ng pagmamalupit sa mga batang opisyales na humihingi ng reporma sa AFP.

Mali ba ang ginawa ni Sen. Antonio Trillanes sa direktang pag kompronta kay Reyes gaya ng sinasabi ng ilang mga retiradong heneral? Ang tanging pagkakamali ni Sen. Trillanes ay masyado siyang naging direkta, brutal ang istilo niya ika nga, pero ito ang kailangan upang mahubaran ang corruption sa loob ng AFP.

Ang pinakamalaking pagkakamali ay ang pagiging bulag at pagsangayon ng mga corrupt na opisyal ng military sa nakawan na siyang nagiging dahilan ng pagsugod ng mga pobreng sundalo sa giyera na mahihina ang armas.

Tama ba ang ginawa ng mga kritiko na hingin ang patuloy na imbistigasyon kahit nakaburol pa ang bangkay ni Reyes? Of course, Sir Yes Sir, dahil ang corruption sa loob ng AFP ay dapat baguhin kahit na sino ang nakaburol. Walang masamang patuloy na pagusapan ang isyu.

Kung ang nais ng mga tauhan ni Madam Gloria ay panandaliang matigil ito, ang tanging dahilan nila ay paghangad na mapalamig ang isyu upang makalusot ang boss nila.

Dapat bang idamay ang mga asawa at pamilya ng mga heneral na nakinabang sa kaban ng bayan? Siyempe naman, nakinabang sila, iyan ang malinaw at komo nakinabang sila at nakabili ng ilang bahay sa US, naka pagbiyahe ng ilampung beses sa isang taon at mag enjoy, dapat pagdusahan rin nila.

Huling katanungan, sino ang malaking tao sa likod ni Gen. Carlos Garcia? Hindi ho malaki, literal na maliit at iyan ay si Madam Gloria.

******
Para sa anumang reaksyon text sa 09273893248

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: