ANO BA NAMAN MGA KUYA?

Nuong una ang nais nila ay pumili si Pangulong “Noynoy” Aquino ng isang abogadong bihasa sa election law bilang kapalit ng maagang nagretirong Commission on Election (Comelec) Chair Santiago Melo.

Marami raw ang suliraning kailangang ayusin agad kaya ang sinomang itatalaga rito ay nararapat na alam na ang gagawin at hindi na mag-aaral.

Pinagpilian ni Pangulong Noy ay dalawang maituturing nating expert sa election law – si Atty. Sixto “Boy” Brillantes at si Atty. Romy Macalintal. May dalawa pang iba pero komo hindi mga kilalang election lawyer ay hindi na natin babanggitin at agad naman kasing na disqualify.

Sa dalawang magaling na election lawyer na ito, nagparaya si Atty. Macalintal na naalala nating personal na abogado ni Madam Senyora Donya Gloria nuong panahon ng Hello Garci scandal.

Natira si Atty. Boy na ngayon ay si Chairman Brillantes.

Angal na naman ang mga kritiko kasama na ang ilang mga pulitiko na siyempre kailangang marinig ng media at ipakita sa sambayanan na may ginagawa sila o sa madaling salita nakikita sa telebisyon at dyaryo at naririnig naman sa radio.

Sabi ng isa sa kanila wala raw wow, bakit kailangan ng wow. Baka magalit sa iyo ang malamang na magbalik senadong si Richard Gordon dahil may prangkisa na siya sa wow.

Hirit naman ng isang kakampi pa ni Pangulong Noy ay kailangan niyang magpaliwanag dahil marami kliyente si Chairman sa Comelec nuon. Kung hindi siya magaling na abogado magkakaroon ba siya ng kliyente?

Ang isang babaeng pulitiko naman nagtatanong kung magiging parehas daw ba si Chairman Brillantes? Buong akala niya parehas siya samantalang matindi pa siya sa kawayan at balimbing sa pagpapaikot ikot ng kakampi mula ng pumasok siya sa pulitika.

Marami pang ibang mga angal at payo sa mga magagaling nating mga kababayan. Lahat sa kanila mga expert sa pagpili at lahat sila turuan si Pangulong Noynoy kung sino ang dapat hirangin sa aling posisyon.

Binigyan ng sambayanan ng malaking boto si Pangulong Noy nuong nakaraang eleksyon, wala pang isang taon ang nakaraan. Patunay ito na may tiwala sa kanya ang mamamayan.

Pagbigyan natin siya muna. Subukan natin si Chairman Brillantes sa Comelec.

Malay niyo, sa haba ng karanasan niya, pati mga sindikato at mandarambong diyan kilala niya, siya lang ang tanging makakapaglinis diyan. Lamang pa niya, hindi na siya mag-aaral at expert na siya – kayod na agad at paglilinis ang maaari niyang gawin.

Hindi rin siya maaaring paikutin, election lawyer siya at kilalang magaling na abogado so wala magagawa ang mga nagpapalusot.

Bigyan natin ng pagkakataon si Chairman, huwag muna tayo maging talangka na lahat nais natin hilahin pababa.

Kung magtagumpay siya matuwa tayong lahat at purihin natin siya, kung pumalpak, asahan niyong mauuna tayo sa babatikos. Mahalaga, magtiwala muna tayo at subukan natin ang kakayahan niya.

Good Luck Chairman Brillantes!

******
Para sa anumang reaksyon text sa 09273893248

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: