KABUTIHAN MANANAIG SA KASAMAAN

Malapit na hong maging Santo ang yumaong Pope John Paul II, isa sa pinaka agresibong Santo Papa pagdating sa paglibot sa iba’t ibang parte ng mundo upang ihatid ang salita ng Panginoon.

Bukod sa kanyang pagpapalaganap ng salita ng Panginoon, sinikap rin ni Blessed Pope John Paul II na magkaroon ng kapayapaan sa sangkatauhan sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang posisyon bilang Pinuno ng Simbahang Romano Katoliko at pa-aapila sa sinumang bansa, lahi o relihiyon na nagkakaroon ng alitan.

Sa anumang oras ay binigay ni Blessed John Paul II ang kanyang lahat upang makamtan ang kapayapaan at maibsan ang kahirapan sa sanlibutan.

Ito rin ang dahilan kung bakit sa kanyang beatification ay milyong milyong deboto ang dumalo sa Roma. Marami ang ngayon pa lang, kasama na ng inyong lingkod ang naniniwalang magiging Santo siya.

Sadyang kabutihan ang kanyang ginawa at lahat ng ehemplo pinakita niya upang palaganapin ang salita ng Panginoon.

Buo rin ang paniniwala natin kasama na ng maraming mga deboto na maraming milagro ng nagawa ang dating Santo Papa, lalo na sa milyong milyong kababayan nating kahit na sa sandaling panahon ay nasilayan siya ng bumisita siya dito sa atin.

Pinalad tayong makasama sa mga personal na nakakita sa kanya sa Ninoy Aquino International Airport. Buo ang paniwala natin na nadama natin ang kanyang kabutihan at ang masilayan lamang ang dating Santo Papa ay nagbigay sa atin ng malaking inspirasyon at bumunot sa mga suliraning animo’y tinik na nakasaksak sa atin.

Galak na galak tayo sa kanyang beatification at tuloy ang panalangin natin at pagtibay ng pananampalataya natin sa ating PANGINOON.

Mahal ka naman Blessed Pope John Paul II.

Habang mainit ang pagtanggap ng sangkatauhan lalo na mga Romano Katoliko sa selebrasyong ito ay pasok naman ang balitang napaslang ng US Special Forces ang pinuno ng Al Qaeda na si Osama Bin Laden.

Isang lider na kaya sanang gamitin ang kapangyarihan sa kabutihan pero minarapat na gamitin ito sa kasamaan.

Kahit na ano ang galit niya sa bansang United States, wala siyang karapatang idamay ang mga libo libong sibilyang napatay dahil sa pag-atake ng mga tauhan niya sa Twin Towers sa New York city.

Malaking kawalanghiyaan ang ginawa ni Bin Laden at lalong malaking kahibangan ang pinagsasabi ng ilang mga dalubhasa kuno na sa mga kaalyado niya ay isa siyang martyr.

Walang pagka martyr ang isang pumapaslang ng mga inosenteng taong walang kalaban laban lalo na kung gagamitin ang relihiyon.

Naniniwala tayong lahat ng relihiyon – Kristiyano, Muslim Buddhist, Taoist, Judaism at iba pa, puwera lang ang sumasamba sa demonyo ay pawang mabuti at nagtuturo ng kabutihan.

Sa panahong ito pangitang pangita natin ang pagkakaiba kay Blessed John Paul II at kay Osama Bin Laden. Langit at lupa, tama at mali.

Pero higit sa lahat, hindi pala dapat ikumpara, hindi ubra dahil isa lang ang malinaw, MABUTI ang mananaig sa kasamaan.

******
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com
******

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: